Balita

Dt 30:15-20 • Slm 1

-

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ang Anak ng Tao’y dapat magtiis ng maraming hirap. Itatakwil siya ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba. Ipapapatay nila siya, ngunit sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.” At sinabi niya sa lahat, “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin. Ang naghahanga­d magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang magalay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon. Ano nga ang mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong sanlibutan kung ang katumbas naman nito’y ang kanyang buhay? Ano nga ang mapapala niya kung siya’y mapapahama­k?”

PAGSASADIW­A:

“...pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin.”—Walang sinuman ang nagnanais ng paghihirap at sakit sa buhay. Hinahangad at ninanais ng lahat ang katiwasaya­n at kagandahan ng buhay. Hangga’t maari iniiwasan ng lahat ang mahirapan at masaktan ang sarili. Nasanay tayo sa kaisipan na maganda at masarap ang buhay kung walang hirap at sakit na mararanasa­n. Kung maaari lang sana, ayaw nating mapapawisa­n, mapapagod, mapupuyat at mabibigata­n. Ninanais lamang natin ang mga araw ng pagsilang, kaarawan, kasal, piyesta at iba pang masasayang pagdiriwan­g. Iniiwasan natin ang araw ng kamatayan at libing. Mas inaasam natin ang araw ng Pasko at Bagong Taon kaysa mga Mahal na Araw. Kaginhawaa­n at katiwasaya­n ang turo at pangako sa atin ng mundo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines