Balita

Bagong kaso ng COVID-19 sa mundo bumaba ng 16% nitong nakaraang linggo: WHO

- Agence France-Presse

BUMABA ng 16 porsiyento sa 2.7 milyon ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo nitong nakaraang linggo, ayon sa World Health Organizati­on.

Maging ang bilang ng mga bagong namatay ay napaulat na bumaba rin ng 10 porsiyento week-on-week, sa 81,000, pagbabahag­i ng WHO nitong Martes sa Tuesday weekly epidemiolo­gical update nito, gamit ang datos na hanggang nitong Linggo.

Lima sa anim na rehiyon ng WHO sa mundo ang nag-ulat ng double-digit percentage na pagbaba sa mga bagong kaso, kung saan tanging Eastern Mediterran­ean

lamang ang nagpakita ng pagtaas, na pitong porsiyento.

Bumaba ng 20 porsiyento ang mga bagong kaso nitong nakaraang linggo sa Africa at sa Western Pacific, 18 porsiyento sa Europe, 16 porsiyento sa Americas at 13 porsiyento sa southeast Asia.

Sinabi ni WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesu­s nitong Lunes na ang bilang ng mga bagong kaso ay bumaba para sa ikalimang sunod na linggo, na halos nabawasan ng kalahati, mula sa higit limang milyong kaso sa linggo ng Enero 4.

“This shows that simple public health measures work, even in the presence of variants,” ani Tedros.

“What matters now is how we respond to this trend. The fire is not out, but we have reduced its size. If we stop fighting it on any front, it will come roaring back.”

Naiulat ang pinanganga­mbang coronaviru­s variant na unang natukoy sa Britain sa 94 bansa sa linggo nitong Lunes, ayon sa epidemiolo­gical update, na tumaas

ng walo.

Habang ang naitala naman ang local transmissi­on ng variant, taliwas sa imported na kaso, sa halos 47 bansa.

Ang unang variant na natuklasan sa South Africa ay naitala sa 46 na bansa, na tumaas ng dalawa, na may local transmissi­on sa halos 12 bansa.

Habang ang tinatawag na Brazilian variant na natukoy sa 21 bansa, ay tumaas ng anim, na may local transmissi­on sa dalawang bansa.

COVAX DELIVERY PLANS Samantala sinabi ng Covax facility, ang global COVID-19 vaccine procuremen­t at distributi­on effort na layong masiguro na magkakaroo­n ng access sa doses ang mga mahihirap na bansa, na ang final shipment list nito para sa unang deliveries ay ilalabas na sa susunod na linggo, matapos aprubahan ng WHO ang AstraZenec­a vaccine.

Nitong Lunes, ibinigay ng WHO ang seal of approval sa AstraZenec­a-Oxford vaccine na ginagawa sa mga planta sa India at

South Korea, nangangahu­lugan ito na maaari na itong ibiyahe via Covax, na magbibigay sa maraming bansa ng kanilang unang COVID19 shots.

“Covax anticipate­s the bulk of the first round of deliveries taking place in March, with some early shipments… occurring in late February,” pahayag ng WHO co-led facility. Ang interim distributi­on list na inilabas nitong Pebrero 3 ay bumawas sa initial 337.2 million doses ng programa— na lahat maliban sa 1.2 million Pfizer-BioNTech doses, ay mula sa AstraZenec­a. Kapwa aprubadong bakuna ng WHO na nangangail­angan ng dalawang injected doses.

Nasa 145 bansa na kaisa sa Covax ay nakatakdan­g tumanggap ng sapat na doses upang mabakunaha­n ang 3.3 porsiyento ng kanilang collective population pagsapit ng mid-2021.

“Deliveries for this first round of allocation will take place on a rolling basis and in tranches,” ayon sa Covax.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines