Balita

Nasa isip pa lang ang bakuna

- Ric Valmonte

ANG pangunahin­g problema ng mga taga Southeast Asia ay ang banta ng COVID-19 at sa sampung bansa na na-survey kung paano nakontrol ang pandemya, ang Pilipinas ang nakakuha ng pinakamaba­bang approval rating sa kanyang mamamayan. Sa lahat ng gobyerno ng mga estadong miyembro ng Associatio­n of Souteast Asia Nations (ASEAN), ang Pilipinas

ang kulelat sa kanyang nasisiyaha­ng mamamayan sa pagtugon sa COVID-19, ayon sa Asean Studies Centre sa Singapore. Ang resulta ng “The State of Southeast Asia: 2021” survey ay nagpapakit­a na 53.7 porsyento ng mga Pilipino ang hindi sumasang-ayon at matinding hindi sumasang-ayon sa pagrespond­e ng administra­syong Duterte sa pandemya. Ang ibig sabihin nito, ayon sa survey, 17.9 porsyento ng mga Pilipino ang matinding hindi sumasangay­on at 35.8 porsyento ang hindi sumasang-ayon sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya. Samantala, 6 porsyento lamang ang malakas na sumasang-ayon at 19.4 porsyento ang sumasang-ayon dito. Ayon sa Asean Studies Centre, ang survey,

ikatlo ito sa magkakasun­od na kanyang ginawa, ay binubuo ng mga pananaw at perspektib­o ng opinion-makers, policy-makers at thought-leaders sa rehiyon na ang mga ito ay mula sa academia, business and finance, government, civil society, media at regional at internatio­nal organizati­on.

Ayon kay Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque, hindi niya alam itong regional survey, pero ang mga local survey ay nagbigay ng mataas na rating kay Pangulong Duterte sa pagrespond­e niya sa COVID-10. “Ang alam ko ay ang mga survey ng Pulse Asia at sa ilang survey, 9 sa 10 ay sinusuport­ahan ang inisyatibo ng Pangulo. Sa isang pagaaral, 8 sa 10, iyan ang katotohana­n,”

wika niya. “Hindi ito scientific survey,” wika naman ng kaalyado ng Pangulo na si Albay Rep. Joey Salceda sa regional survey. Hindi, aniya, ito sumasalami­n sa sentimyent­o ng mga lalake at babae sa lansangan. Alin ang scientific, iyon bang survey ng Pulse Asia? Hindi nga sinasabi nito kung sino ang kanilang nakapanaya­m at kinuhanan ng paniniwala. Nagkakagut­om-gutom na ang mamamayan. Kulang na ang supply ng pagkain. Nagtataasa­n na ang presyo ng mga bilihin at pangunahin­g serbisyo. Hindi pa sila tinantanan ng kalamidad. Ang mga mamamayang ito ay mga nasa kalye, nakapanaya­m ba sila ng Pulse Asia at mga iba pang survey organizati­on na ipinagmama­laki

ni Roque na nagbigay ng mataas na rating sa Pangulo?

Ipagpalaga­y na natin na ang lahat ng survey ay kumikilala sa kakayahan ng Pangulo na tumugon sa pandemya, hindi nila mapapasuba­lian na hanggang nagyon ay wala pang kontratang nalalagdaa­n ang gobyerno sa mga gumagawa ng bakuna para magsupply ng kanilang produkto. Sa kabilang dako, halos lahat ng mga bansa ay pinaiiral na ang kanilang vaccinatio­n program at milyon na ng kanilang mamamayan ang nabakunaha­n. Hanggang ngayon ang nakikita natin na ginagawa ng mga taong gobyerno ay naghahakot na at nagdedelib­er, pero walang dalang gamot pangbakuna. Nasa isip pa lang nila ito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines