Balita

Estudyante, byebye summer break na ba?

- Merlina HernandoMa­lipot

HINDI pa man ito naisapinal, ang plano ng Department of Education (DepEd) na palawigin ang kasalukuya­ng taon ng pag-aaral, ay nakakakuha ng negatibong puna at reaksyon - karamihan ay mula sa mga netizen.

Noong Huwebes, Peb. 18, kinuyog ng mga netizen ang mga

social media site sa pagpapahay­ag ng kanilang pagtutol sa plano ng DepEd na palawigin ang school year 2021-2022. Ito ay sapagkat ang pagpapalaw­ig ng taon ng pag-aaral ay nangangahu­lugang pagbabago sa academic calendar, kung kaya mapapaikli ang naka-iskedyul na bakasyon sa tag-araw sa Abril at Mayo. Sinabi ng Twitter user na may handle @swaggysebi na: “DepEd right now thinking that we can finish all of our activities/requiremen­ts and chores while being emotionall­y unstable.”

Isa pang Twitter handle sa ilalim ng @jjonggiggl­e ang nagsabing: “DepEd just really proved that they’re anti-poor, ableist [sic], and ignorant with this 2 week summer vacation.”

Si @jongseongf­lirts ay pasimpleng: “DEPED has no considerat­ion”

Ang iba pang mga netizen ay nagpahayag din ng pag-aalala para sa kanilang kapwa estudyante. Ang Twitter user sa ilalim ng handle na @unlikanins ay nagsabing: “I’m privileged to have an environmen­t

where learning is more accessible and easier, but so many of my fellow Filipinos don’t have this same opportunit­y. Education can be a struggle for so many people and can take such a big toll on mental health.” Sa isang hiwalay na post, @ unlikanins: “idk [I don’t know] what made DepEd believe that students and teachers have the mental capability to do school literally all year long during a GLOBAL CRISIS that NONE of us know how to handle, but they better reconsider.”

Sinabi ni DepEd Undersecre­tary

for Curriculum and Instructio­n Diosdado San Antonio sa BALITA nitong Martes, Peb. 16, na ang mga pangunahin­g opisyal ng ahensya ay tinatalaka­y pa rin ang bagay na ito na may kaugnayan sa extension ng school year.

Sa panayam sa telebisyon noong Miyerkules, Peb. 17, sinabi ni San Antonio na ang DepEd ay binabalak na paikliin ang dalawang buwan summer break ng mga estudyante sa dalawang linggo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines