Balita

‘Auring’ magla-landfall sa Caraga

- John Aldrin Casinas

Inaasahang babayuhin ng bagyong “Auring” ang Caraga Region sa pagitan ng darating na Sabado at Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA).

Kahapon, sinabi ng PAGASA na tuluyang lumakas ang bagyong “Auring” na inaasahang magdadala ng mga pag-ulan sa Mindanao, Visayas, Southern Luzon at Bicol Region sa pagtatapos ng linggong ito.

Huling namataan ang bagyo sa tinatayang layong 685 kilometro Silangan-TimogSilan­gan ng Hinatuan, Surigao del Sur kahapon ng umaga.

Taglay nito ang hanging may lakas na 65 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong hanggang 80 kph.

Babala ng PAGASA, posible ring titindi pa ang paglakas ng bagyo bago pa ang inaasahang paghagupit sa Caraga region sa pagitan ng gabi ng Sabado, Pebrero 20 at Linggo, Pebrero 21 ng umaga.

Inaasahan din ng PAGASA ang malalakas na pag-ulan sa Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Bicol region, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Lanao del Sur, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, northern Palawan, kabilang ang

Calamian at Cuyo Islands ngayong weekend na tatagal hanggang Lunes. “Residents in these areas and all disaster risk reduction and management offices concerned, especially those situated in areas identified in hazard maps to be highly or very highly susceptibl­e to flooding and rain-induced landslides, are advised to take appropriat­e preparator­y measures,” ang bahagi ng babala ng PAGASA, kahapon.

Ngayong umaga, inaasahan ng ahensya na isasailali­m sa Signal No. 1 ang ilang lalawigan ng Caraga at Davao Region dahil sa umpisa ng pagpaparam­dam ng bagyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines