Balita

Walang Heat na magpapatum­ba sa Warriors

-

SAN FRANCISCO (AFP) — Talo na, nanalo pa!

Para sa Golden State Warriors, maitututin­g ‘greatest comeback’ ang naitalang 120-112 overtime win laban sa Miami Heat nitong Huwebes (Miyerkoles sa Manila).

Naisalpak ni Stephen Curry, malamya sa kabuuan ng regulation, ang go-ahead 3-pointer may 1:15 ang nalalabi sa overtime, bago nasundan ni Andrew Wiggins ng isa pang tirada sa downtown area para makumpleto ang pagbalikwa­s ng Warriors mula sa 19 puntos na paghahabol.

“Everything was in rhythm for Steph. Percentage­s always catch up for him. We just stayed with it, which is good on him, just staying with it and keep letting it fly. He was huge for us late there,” pahayag ni Kent Bazemore.

Malaki ang naging bahari ni Bazemore sa krusyal na sandali ng regulation at sa overtime para sa kabuuang season-high 26 puntos. Tumapaos si Curry na may 25 puntos , 11 assists at pitong rebounds.

Nanguna si Jimmy Butler sa Heat na may 13 puntos, 12 rebounds at 11 assists.

JAZZ 114, CLIPPERS 96

Sa Los Angeles, nailista ng Utah Jazz ang ikasiyam na sunod na panalo nang pabagsakin ang Clippers.

Hataw si Donovan Mitchell sa naiskor na 24 puntos, habang kumana si Rudy Gobert ng 23 puntos at 20 rebounds sa NBA-league team (24-5). Nag-ambag si Filipino-American Jordan Clarkson ng 18 puntos.

WIZARDS 130, NUGGETS 128

Sa Washington, naisalpak ni Bradley Beal ang dalawang free throws may tenth of a second ang nalalabi para sandigan ang

Wizards laban sa Denver Nuggets.

Kumasa si Davis Bertans ng career highs 35 puntos, tampok ang siyam na 3-pointers, habang nagsalansa­n si Beal ng 25 puntos at season-high 10 assists, at kumana si Russell Westbrook ng triple-double -- 12 puntos, 13 rebounds at 12 assists para sa ikatlong sunod na panalo ng Washington.

Nanguna si Jamal Murray sa Denver na may 35 puntos at tumipa si Nikola Jokic ng 33 puntos.

Sa iba pang laro, ginapi ng Memphis Grizzlies, sa pangunguna nina Grayson Allen at Jonas Valanciuna­s na may tig-22 puntos,a ng Oklahoma City Thunder; nagwagi ang Philadelph­ia Sixers sa Houston Rockets, 118113; nanaig ang Orlando Magic sa New York Knicks, 107-89; dinagit ng Atlanta Hawks ang Boston Celtics, 122-114; sinuwag ng Chicago Bulls ang Detroit Pistons, 105-102.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines