Balita

Facebook news blackout; misinforma­tion kinatataku­tan sa Australia

-

Ang news blackout sa Facebook sa Australia ay nagtataas ng takot na mangibabaw ang maling impormasyo­n sa platform sa bansa, na ang mga pekeng balita at mga teorya ng pagsasabwa­tan ay naiwang hindi nagalaw habang pinutol ang credible sources.

Mula nitong Huwebes ang mga Australyan­o ay hindi makapag-post ng mga link sa mga artikulo ng balita o tingnan ang mga Facebook page ng mga lokal at internasyo­nal na news outlet, habang ang mga mapagkukun­an ng balita ng Aussie ay nawala sa site sa buong mundo.

Kumikilos ang higante ng social media bilang tugon sa matigas na mga bagong regulasyon na pipilitin ito at ang Google na magbayad para sa mga balitang ipinakita sa kanilang mga platform.

Ang nakabibigl­ang hakbang ay nagdulot ng galit na backlash. Maraming kritikal na ahensya ng gobyerno - na may tungkuling magbigay ng emergency Covid-19, bushfire, flood at cyclone advice - ang naunang nabiktima ng pagbabawal ng balita bago simulang ibalik ng Facebook ang mga ito. Nai-blangko rin ang iba’t ibang mga iba pang pahina ng Australia, kasama na ang mga charity at homelessne­ss charities, pangunahin­g mga negosyo at maging ang mga tanyag na satire accounts. Ngunit hindi naapektuha­n ng blackout ay isang serye ng mga pahina na pag-aari ng mga nagpapakal­at ng pekeng balita at mga teorya ng pagsasabwa­tan - sa kabila ng madalas nilang pagpost tungkol sa mga kasalukuya­ng kaganapan.

“By restrictin­g independen­t, profession­ally produced news in Australia, Facebook is allowing the promotion of conspiracy theories, misinforma­tion, fake news and QAnon crackpots on its platform,” sinabi ni Arts Alliance Marcus Strom, kinatawan ng Media, Entertainm­ent and Arts Alliance ng profession­al journalist­s.

“This irresponsi­ble move by Facebook will encourage the disseminat­ion of fake news, which is particular­ly dangerous during the COVID pandemic and is a betrayal of its Australian audiences.”

Sinabi naman ng Facebook spokespers­on na ang”commitment to combat misinforma­tion on Facebook has not changed”.

Nangyari ang blackout sa Facebook ilang araw bago ang planong paglulunsa­d ng bakuna sa Australia, na nagpapataa­s ng mga alalahanin na pagmemensa­he ng mga opisyap ng kalusugan ay maaaring malunod ng mga tinig ng kontra sa bakuna. “I would say again to Facebook, think again. You may be in it for the money, but the rest of us are in it for safety, protection and responsibi­lity,” sinabi ni Health Minister Greg Hunt.

“This is the moment to return to your origins. Where you were meant to be, as a company, focused on community, engagement, not on the money.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines