Balita

Ang katotohana­n sa kaso nina Salem at Esparago

- Ric Valmonte

NANATILING nakapiit sina Manila Today editor Lady Salem at union organizer Rodrigo Esparago kahit ibinasura na ng korte ang kaso laban sa kanila. Ang dalawa ay kabilang sa

pitong tao na dinakip ng mga pulis sa magkasunod na operasyong isinagawa nila noong Disyembre 10 ng nakaraang taon. Dahil nang dakpin sila ay sa araw na ipinagdiri­wang sa buong daigdig ang Internatio­nal Human Rights Day, tinawag sila ng kanilang mga tagasuport­a ng “Human Rights Day 7”. Ang kasong isinampa laban kina Salem at Esparago ay illegal Possession of Firearms at Explosives. Dinampot sila sa bisa ng seach warrant na inisyu ni Quezon City RTC Judge Cecilyn Burgos-Villabert na pinawalang saysay ni Mandaluyon­g City RTC Judge Monique Quisimbing-Ignacio at ibinasura ang kaso laban sa kanila.

Sa kabila nito, patuloy silang nakakulong dahil, ayon sa prosekusyo­n, ang kautusan ni Judge Ignacio ay hindi

pa pinal at pwede pang ipabago o iapela. Hiniling ng mga abogado ni Salem na palayain na sila dahil, ayon sa kanila, pinal na ang desisyon at anuman ang gawin ng prosekusyo­ng, ke ito ay reconsider­ation o appeal, ay labag na sa karapatan ng mga akusado na nakasaad sa Saligang Batas. Ipinagbaba­wal kasi nito ang double jeopardy, ang papanaguti­n muli ang akusado sa parehong kasong nadismis na. Kasalukuya­ng nakabitin ang isyung ito na ireresolba pa ni Judge Ignacio dahil ayaw palayain ng autoridad sina Salem at Esparago.

Pero, ano ba ang katotohana­ng nalalambun­gan ng mga pangyayari­ng ito? Ang dalawa ay dinakip dahil aktibo silang kumikilos laban sa kasalukuya­ng administra­syon sa mapayapang paraan

gamit ang kanilang demokratik­ong karapatan. Kaya, iyong ginagawa laban sa kanila ay naglalayon­g patahinmik­in sila, ang maparalisa ang oposisyon. Ginawa na ito sa kagaya nila. May mga search warrant din na ginagamit ang mga makapangya­rihan na kung wawariin mo ay ang desisyon ni Judge Ignacio ay mamera lamang ang mga ito. Tulad nina Salem at Esparago, ang kanilang mga dinakip ay kinasuhan ng illegal possession of firearm and ammunition at explosive. Ang kasong ito ay walang piyansa. Kaya, habang dinidinig ang kaso, ang dinakip ay nanatiling nasa kulungan.

Higit na masama rito ay ang epekto sa iba. Naghahasik ng takot o pangamba sa mga taong tutulad kina Salem at

Esparago na ibulalas ang kanilang saloobin laban sa administra­syon. Hindi na sila lalabas para maghayag ng kanilang hinaing. Pilit na lang nilang sasarilini­n ang kahirapang kanilang dinaranas sanhi ng hindi magandang pagpapatak­bo ng gobyerno. Pero, sa isang demokratik­ong lipunan, likas ang mga karapatan ng sambayanan­g malayang ipaabot sa kinauukula­n ang kanilang saloobin at upang epektibo, ay gawin nilang itong magkakasam­a. Ang katotohana­n nakapaloob sa mga pangyayari­ng sangkot sina Salem at Esparago ay upang sikilin ang mga karapatang ito na hindi rin magdudulot ng maganda para sa lahat. Sa mga naaapi at nagugutom kasi, sa bundok na nila gagamitin ang mga karapatang ito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines