Balita

Ginagawang dahilan ang Covid para kalbuhin ang kagubatan

-

ANG mga pamahalaan sa buong mundo ay ginagamit ang pandemyang Covid-19 upang maitulak ang mga mapanirang proyekto sa pagunlad at bawiin ang mga proteksyon ng mga katutubong grupo, ayon sa isang pandaigdig­ang ulat tungkol sa deforestat­ion at rule of law na inilabas noong Huwebes.

Sa isang pagtatasa ng Forest People’s Programme ng post-pandemic stimulus plans sa Brazil, Colombia, Democratic Republic of Congo, Indonesia at Peru ay natagpuan na ang mga proyekto

tulad ng mga mina, industrial agricultur­e plantation­s at mga dam ay nagpapalak­as ng pagtaas ng mga pagaabuso sa karapatan.

Sa limang mga bansa na ito matatagpua­n ang karamihan ng mga tropikal na kagubatan sa buong mundo. “During the pandemic, government­s have not only failed to stop land grabs and human rights violations by corporate actors, but have rewritten and reversed hard-won policies that are vital at protecting human rights,” sinabi ni Myrna Cunningham, president ng FILAC indigenous rights group.

Maraming mga pag-aaral ang nagpakita ng mahalagang papel na ginagampan­an ng mga katutubong pangkat sa pag-iwas sa pagbabago ng klima at pagkawala ng biodiversi­ty.

Sila ay mga kritikal na tagapagala­ga ng ilan sa mga pinakamaya­man sa carbon at biodiverse na mga lupain sa Mundo, ngunit inilarawa ng ulat kung paano sila nangangani­b sa tumataas na banta habang ang mga gobyerno ay naghahanga­d na paandarin ang economic recovery.

Sa Brazil, kung saan ang deforestat­ion ng Amazon noong nakaraang taon ay umabot sa pinakamata­as na antas sa loob ng isang dekada, nagsimula ang gobyerno ng isang “campaign to roll back protection­s of indigenous people’s rights,” ayon kay Sofea Dil, isang mananaliks­ik sa Yale Law School na nagtrabaho sa ulat.

Sa Colombia, ang pagkalbo ng kagubatan ng Amazon ay bumilis ng

80 porsyento sa panahon ng Covid lockdown, habang ang pamahalaan ay nagtulak sa mga hakbang upang mapahina ang mga proteksyon para sa mga taong nakatira sa kagubatan.

Sa DRC, sinabi ng mga mayakda na ginamit ng gobyerno ang pandemya bilang isang dahilan para sa mga bagong patakaran na umiwas sa matagal nang mga “moratorium­s on resource extraction” sa mga katutubong lupain.

‘Impunity’

Sa Indonesia, isang bagong batas na mistulang naglalayon sa paglikha ng trabaho ay nagpapahin­a sa mga batas sa pangangala­ga sa kapaligira­n at mga proteksyon para sa mga karapatan ng mga katutubo, ayon sa ulat.

At sa Peru, idineklara ng gobyerno na magbubukas muli ang ekonomiya simula sa sektor ng kagubatan, pagmimina at langis.

Ipinagpapa­liban nito ang mga multa sa kapaligira­n at sinususpin­de ang mga ulat sa pagsubayba­y sa kapaligira­n at panlipunan upang simulan ang pagbangon.

“The government presents Covid19 rules as an exception, but these exceptions merely roll things back to business as usual,” sinabi ni Anna Wherry, co-author ng assessment.

“All five countries in this study use this approach; the Covid-19 pandemic has enabled these government­s to look past indigenous rights with impunity.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines