DELIVERY NG NOVAVAX VACCINES, MAMADALIIN
PASAWAY? Pilit pa ring pinupuntahan ng mga residente ang kanilang fish pen malapit lamang sa Taal Volcano sa Batangas City kahit itinaas na ang alert level status sa isla, kahapon.
Pinaplano na ngayon ng mga opisyal ng National Task Force (NTF) Against Coronavirus Disease (COVID-19) na magtungo sa India upang talakayin ang posibleng maagang pag-deliver ng Novavax vaccines sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni NTF Againt COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez, kahapon.
Gayunman, sinabi ni Galvez na hiwalay pa rin ito sa kasunduan ng pamahalaan sa Covax facility na pinangungunahan ng World Health Organization (WHO) para sa delivery ng Pfizer-BioNTech ng United States at British-Swedish AstraZeneca vaccines.
“We are trying our best, maybe one of these days we might go to India where more or less two to three billion doses will be produced by the Serum Institute of India. It is where we bought a big bulk of Novavax vaccines,” paliwanag ni Galvez sa pagbisita ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team sa Pateros.
Nauna nang tiniyak ng pamahalaan na makakakuha ito ng 30 milyong Novavax vaccines mula sa Serum Institute of India na inaasahang darating bansa sa Hulyo 2021.
Kahapon, nakipagpulong ang mga opisyal ng NTF at Philippine Ambassador to United States Jose Manuel Romualdez sa mga opisyal ng Covax at Gavi upang talakayin ang kanilang kasunduan matapos pumirma ang pamahalaan ng indemnification agreements upang matiyak ang delivery ng Pfizer at AstraZeneca vaccines sa loob ng first at second quarter ng 2021 at posibleng ang huli ay bago matapos ang Pebrero.
Hindi na binanggit ni Galvez ang mga impormasyon ng kanilang pinagpulungan, gayunman, tiniyak aniya sa kanila ng mga opisyal ng Gavi mula sa New York na ang Pilipinas ang halos kasama sa prayoridad ng Covax facility.
“Our negotiation with the Covax facility is still ongoing. We are hopeful that the Covax will fulfill their commitment to bring us their 44 million doses in the first and second quarter,’’ sabi pa nito.