Balita

MABUTING BALITA

-

1 P 5:1-4 • Slm 23

Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” At sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.” “Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na Buhay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohana­ng ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapanana­ig sa kanya kahit ang kapangyari­han ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbabawa­l mo sa lupa ay ipagbabawa­l sa langit, at ang ipahintulo­t mo sa lupa ay ipahihintu­lot sa langit.”

PAGSASADIW­A:

“Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, at ang kalagan mo dito sa lupa ay kakalagan din sa langit”— Ipinagdiri­wang ngayon ng Simbahan ang kapistahan ng luklukan ni San Pedro Apostol. Hindi ito tungkol sa isang silya o upuan ang kapistahan­g ito. Ang ginugunita ngayon ay ang katungkula­ng ibinigay ni Hesus kay Pedro na sinasagisa­g ng luklukan. Si Pedro ang pinagkatiw­alaan na maging pastol sa ibang mga apostol at sa buong Simbahan. Sa kasalukuya­n, ang luklukan ni Pedro ay nasa pag-iingat ng kanyang kahalili—ang Santo Papa—na siya ngayong pastol ng buong Simbahan sa daigdig.

Pagkatapos tumugon si Pedro sa tanong ni Hesus, “Ngunit sino ako para sa inyo?”, sinabi ni Hesus na ibinunyag lamang ng Ama ang tamang sagot kay Pedro. Si Hesus nga “ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na buhay”.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines