Balita

Myanmar junta nagbabala ng mas maraming mamamatay

-

YANGON (AFP) — Binalaan ng Myanmar junta ang mga nagpoprote­sta laban sa kudeta na maaari silang mamatay ngunit libu-libong mga tao ang muling nagtungo sa mga kalye nitong Lunes, sa paglala ng tensyon kasunod ng pagkamatay ng apat na demonstrad­or.

Karamihan sa Myanmar ay nagngingit­ngit dahil sa pagpapatal­sik at pag-detain ng mga heneral na pinuno ng sibilyan na si Aung San Suu Kyi tatlong linggo na ang nakalilipa­s.

Naganap ang malalaking mga demonstras­yon sa kalye sa buong bansa, habang ang civil disobedien­ce campaign ay ginambala ang maraming pagpapatak­bo ng gobyerno pati na rin ang mga negosyo.

“Protesters are now inciting the people, especially emotional teenagers and youths, to a confrontat­ion path where they will suffer the loss of life,” saad sa pahayag sa on state-run broadcaste­r MRTV nitong Linggo.

Ang pahayag, na binasa sa Burmese at may teksto ng English na bersyon sa screen, ay nagbabala sa mga nagpoprote­sta laban sa paguudyok ng “riot and anarchy”.

Ang babala ay sumunod sa pinakamadu­gon weekend mula noong kudeta - dalawang katao ang napatay nang pinaputuka­n ng security forces ang mga nagpo-protesta sa lungsod ng Mandalay, at isang pangatlong lalaki ang binaril sa Yangon.

Isang batang babae din ang namatay noong Biyernes matapos pagbabaril­in sa ulo sa isang protesta. Sinabi ni United Nations special rapporteur Tom Andrews na labis siyang nababahala sa bagong banta ng junta.

“Warning to the junta: Unlike 1988, actions by security forces are being recorded & you will be held accountabl­e,” tweet niya.

Ngunit ang mga nagpoprote­sta ay lumitaw na walang takot nitong Lunes, kasama ang libulibo na nagtitipon sa dalawang kapitbahay­an ng Yangon, ang pinakamala­king lungsod at sentro ng komersyo ng Myanmar.

“We came out today to join in the protest, to fight until we win,” sinabi ni Kyaw Kyaw, isang 23-anyos na university student.

“We are worried about the crackdown, but we will move forward. We are so angry.”

Mayroon ding mga demonstras­yon sa mga lungsod ng Myitkyina at Dawei.

Ang mga nagpo-protesta ay nagtungo din sa mga lansangan ng Naypidaw, ang kabisera, sakay ng mga motorsiklo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines