Balita

6 rehiyon sa bansa, nakitaan ng UK Covid variant

- Mary Ann Santiago

Iniulat ng Department of Health (DOH) na nasa anim rehiyon na sa bansa ang nakitaan ng UK COVID-19 variant.

Ayon sa DOH, ang mga sample na nakitang positibo sa umano’y mas nakahahawa­ng UK variant ay mula sa Cordillera Administra­tive Region (CAR), National Capital Region (NCR), Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), Central Visayas, Northern Mindanao, at Davao Region.

Nilinaw ni DOH Secretary Francisco Duque III, kulang pa ito para makumpirma­ng may community transmissi­on na ng UK variant sa bansa.

“Walang malinaw na puwedeng sabihin o conclusion kung ano ba talaga ang epekto ng variants na ito sa pangkalaha­tang kaso ng COVID-19,” ani Duque.

Hindi pa rin aniya maaaring lubusang maiugnay sa variant ang pagtaas ng COVID-19 cases sa ilang lungsod sa NCR.

Aniya, patuloy ang pagsusuri ng Philippine Genome Center (PGC) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) dito.

Matatandaa­ng nito Linggo ay 18 bagong kaso ng UK variant ang naitala ng DOH sa Pilipinas. Sa mga bagong kaso, 13 ang returning overseas Filipino na dumating mula Enero 3 hanggang 27. Bukod dito, mayroon ring tatlong kaso na nakumpirma­ng may mutation na N501Y at E484K, na pawang mga taga-Central Visayas. Tiniyak naman ni Health Spokespers­on Maria Rosario Vergeire na naabisuhan na nila ang mga opisyal sa lokal na pamahalaan na maging mas mahigpit sa pagpapatup­ad ng health protocols, kabilang ang pagsasagaw­a ng localized lockdowns.

Paglilinaw pa niya, ang mga naturang mutation na natukoy sa Visayas ay natukoy na rin sa variants sa ibang bansa, gaya ng UK variant, South African at Brazilian.

Aniya pa, hindi lahat ng mutation nito ay mapanganib.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines