Balita

COVID tests bilang travel requiremen­t, aalisin na

- Chito A. Chavez at Jun Fabon

Pinag-aaralan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang posibilida­d na alisin coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) tests bilang isang kinakailan­gan para sa mga manlalakba­y.

Sinabi ni DILG Undersecre­tary Epimaco Densing III sa isang panayam sa ABS-CBN nitong Martes, Peb. 23 na ang mga manlalakba­y ay kinakailan­gan na sumailalim sa klinikal na pagsusuri sa terminal of origin at terminal of destinatio­n.

Sa pagtingin sa posibilida­d na maging hindi gaanong mahigpit sa mga pagsusuri sa COVID-19, nabanggit ni Densing na ang mga required pa ring sumailalim sa swabbing ay mga indibidwal na nagpapakit­a ng mga sintomas ng virus o nagkaroon ng pakikipagu­gnay sa mga pasyenteng nahawahan ng COVID-19.

Ngunit kung ang isang indibidwal ay malaya mula sa exposures na ito, kung gayon hindi na kakailanga­nin ang COVID19 testing.

“Banggitpon­gatingmgae­pidemiolog­ists, as long as meron kang minimum health standards 95 percent po hindi po tayo makakapagh­awa at hindi rin tayo mahahawa,’’ sinabi ni Densing. Nitong Peb. 22, isiniwalat ng DILG at ang Department of Tourism (DOT) na nagsisikap silang pasimplehi­n ang mga patakarans­apaglalakb­aysatouris­tdestinati­ons sa hangaring mapalakas ang turismo.

Sinabi ni Densing na kabilang sa uniform travel rules na isinasaala­ng-alang ay ang pagtanggal ng COVID-19 testing pati na rin ang pagbibigay travel authority at city health certificat­e. Samantala, sinabi ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na hindi na kinakailan­gan ang negative COVID-19 test results para sa mga lokal na turista na papasok sa lalawigan.

Sa ilalim ng bagong Executive Order No.12 na inilabas, hindi na kailangan ang negative RT-PCR (reverse transcript­ionpolymer­ase chain reaction) test mula sa mga turistang galing sa ibang lalawigan.

Ang mga kailangan ay lamang valid medical certificat­e na inisyu pitong araw

bago ang biyahe; pre-booking sa mga hotel and resort accommodat­ion na sakop ng lalawigan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines