Balita

Aiko, may ‘patama’ sa mga kaibigan ng stepfather

- Ni DANTE A. LAGANA

NAGLULUKSA ngayon ang Prima Donna star na si Aiko Melendez sa sinapit ng kanyang stepfather. Binawian ito ng buhay dahil sa COVID-19 nitong Feb. 21. Ramdam ang pinagdadaa­nang sakit ng kalooban ni Aiko na ipinost niya sa kanyang Instagram, ang larawan ng kanyang Daddy Dan kasama ang kanyang mga anak na noon ay mga paslit pa lamang. Kalakip nito ang kanyang nakakalung­kot na saloobin sa pamamagita­n ng open letter. “The Passing of my dad has taught me so many things in life, And I know I will still learn more as days go by... I slept crying and still I woke up crying and while composing this letter, tears just keep rolling down my face. I was my kids age about 6 years old when my mom Elsie Castaneda and Daddy Dan Castaneda got married. So basically more than half of my life he was the father I never had, because my Papa Jimi and mom got separated, and he passed away eventually.” Karaniwang ganito ang senaryo ng pamilya ng taong nahahawaan ng COVID-19 dahil ramdam nilang hindi naging tapat ang mga nakasalamu­ha ng tinamaan mula sa kamag-anak o maging sa mga kaibigan. Kaya naman may pasaring si Aiko sa mga kaibigan ng kanyang stepfather. Aniya, “I’m feeling so much pain now because I know in my heart that if only the” so-called friends” of Dad was just honest enough to tell him their condition, then our dad might have been alive till now. I have been praying, Lord knows how much I’m praying to forgive, And to not just point fingers.” Dagdag pa ni Aiko, “But if there’s something I know now, I prayed for this, I know there is a lesson that my Dad wants us to all learn from his story. He wants us all to take COVID-19 seriously.

My Daddy Dan wants us to be extra careful with the people we mingle with. Kahit pa kaibigan mo yan. My Dad was a selfless man he is too good with everyone around him. I am a living testimony he treated me as his own flesh and blood. Daddy, You will be missed! Sobra.” Inalala rin ni Aiko ang unconditio­nal love ng yumaong kinikilala­ng ama sa mga pagpapaala­la noong nabubuhay pa ito. Sabi niya, “And like you always tell me “Be with a man who sees you like how I see you and loves you and your mom”... Sabi mo nga ke Jay Khonghun alagaan mo anak ko... Mahal ko yan.” Sa dulo ng kanyang letter nakasaad ang pasasalama­t ni Aiko sa kanyang Dad, sa kanyang pamilya at sa ating Poong Maykapal. Maging sa mga may sakit ng COVID-19 na patuloy na lumalaban ayon kay Aiko kasama sila sa kanyang panalangin.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines