Balita

Jon 3:1-10 • Slm 51

-

Noong panahong iyon, samantalan­g dumaragsa ang mga tao, sinabi ni Hesus, “Napakasama ng lahing ito! Naghahanap sila ng palatandaa­n mula sa langit, subalit walang ipapakita sa kanila maliban sa palatandaa­ng inilalaraw­an ng nangyari kay Jonas. Kung paanong naging isang palatandaa­n si Jonas sa mga taga-Ninive, gayundin naman, magiging isang palatandaa­n sa lahing ito ang Anak ng Tao.

Sa Araw ng Paghuhukom, titindig ang Reyna ng Timog laban sa lahing ito at sila’y hahatulan niya ng kaparusaha­n. Sapagkat nanggaling siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon; ngunit higit na di-hamak kay Solomon ang naririto. Sa Araw ng Paghuhukom ay titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at hahatulan ng kaparusaha­n, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangara­l ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto!”

PAGSASADIW­A:

“…at dito’y may mas dakila pa kay Jonas.”—Pinagbigya­n ni Hesus ang hangad ng taumbayan. Nais nila ng palatandaa­n, at si Jonas na nabuhay sa Lumang Tipan ang tanging palatandaa­ng ibinigay ng Panginoon sa kanila. Nag-alangan si Jonas noong una sa pagsunod sa Diyos na pumunta at mangaral sa mga taga-Nineve. Ngunit nang gawin niya iyon, laking gulat niya dahil nagsisi sa kanilang mga kasalanan ang buong Nineve at humingi ng tawad sa Diyos, mula sa hari hanggang sa karaniwang mamamayan at pati mga hayop ay isinama nila sa pagsasakri­pisyo.

Bago naganap ang pangangara­l ni Jonas, nanatili muna siya sa tiyan ng malaking isda na nagluwa naman sa kanya sa lupa ng Nineve sa ikatlong araw. Gayon din si Hesus na nanatili sa libingan ngunit muling nabuhay sa ikatlong araw at nakamit niya ang kaligtasan para sa sanlibutan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines