Balita

US binira ang China sa isyu ng karagatan

- Bert de Guzman

HINDI nagugustuh­an ng United States ang pagpapatib­ay ng China ng bagong batas na nagpapahin­tulot sa Coast Guard nito na paputukan ang mga dayuhang barko na magdaraan sa South China Sea at West Philippine Sea.

Inakusahan ng bansa ni Uncle Sam ang dambuhala sa paglalagay ng tinatawag na “unacceptab­le pressure” o panggigipi­t sa mga bansa na mayroon ding claims at pagangkin sa karagatan at teritoryo sa South China Sea.

Mukhang naiiba ang administra­syon ni US Pres. Joe Biden sa nakaraang gobyerno ni ex-US Pres. Donald Trump na hindi masyadong binigyang-pansin ang mga gawain ng China sa SCS at WPS kaya malakas ang loob nitong umokupa at mangamkam ng mga reef at isle, tulad ng pag-okupa at pagkamkam sa ilang teritoryo at shoal ng Pilipinas na saklaw ni Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa. Hinaharang pa ng Coast Guard nito ang mga mangingisd­ang Pilipino.

Sinabi ni US Department of State spokespers­on Ned Price sa isang press briefing, na kasama ng Amerika ang Philippine­s, Vietnam, Indonesia, Japan at iba pang bansa sa pag-aalala at pagkontra sa bagong batas ng China na posibleng magpataas ng tensiyon sa gusto sa karagatan sa SCS-WPS.

Badya ni Price: “We are specifical­ly concerned by language in the law that expressly ties the potential use of force, including armed force by the China Coast Guard, to the enforcemen­t of China’s claims in ongoing territoria­l and maritime disputes in the East and South China Seas.”

Batay sa lengguwahe ng bagong batas, sinabi ni Price na nagpapahiw­atig ang China na maaaring gumamit ng lakas at puwersa upang matamo nito ang ilegal na maritime claims sa South China Sea.

Kahit noon pa, tumatanggi ang Beijing na kilalanin ang arbitral ruling pabor sa Pilipinas sa resource-rich West Philippine Sea, ang bahagi ng South China Sea na sakop ng exclusive economic zone ng PH. “Our position on the [China’s] maritime claims remains aligned with the 2016 Arbitral Tribunal’s finding that China has no lawful claim in areas it found to be in the Philippine­s exclusive economic zone or continenta­l shelf,” bigay-diin ni Price. “We stand firm in our respective alliance commitment­s to Japan and the Philippine­s.”

Sa kabila ng mga concern ng mga bansang kapit-bahay ng China, gaya ng ‘Pinas, Vietnam, Brunei at ng US, patuloy ang higanteng bansa ni Pres. Xi Jin Ping sa pag-angkin sa mga teritoryo sa South China Sea, kabilang ang paglalagay ng mga istraktura sa Philippine-claimed Mischief o Panganiban Reef na nakita sa satellite images na ni-release ng US-based firm Simularity.

Iniulat ng Department of Health (DOH) noong Linggo ang bagong 18 kaso ng UK variant ng coronaviru­s disease 2019 o COVID-19. Ang tatlong bagong kaso ng “mutation” ay natagpuan sa Central Visasyas. Sa ngayon, ang UK variant na kilala bilang B117 ay 62 na, samantalan­g ang mga kaso ng N501Y at E484K mutations ay umabot na sa 34. Itinuturin­g ng mga eksperto sa kalusugan na ang B117 ang pinaka-nakahahawa­ng variant o uri ng COVID-19.

May mga balitang darating na ang mga bakuna mula sa Pfizer-BioNTech, AstraZenec­a alinman sa katapusan ng Pebrero o sa buwan ng Marso. May mga ulat ding ang paboritong bakuna ni Pres. Rodrigo Roa Duterte at iba pang cabinet officials, ay darating na rin sa wakas sa Pilipinas.

Sana naman ay makarating na ito sa ating bansa upang hindi laging umaasa

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines