Balita

Tiger Woods, sugatan sa aksidente

-

LOS ANGELES (AFP) — Panibagong dagok sa career at personal na buhay ni Tiger Woods.

Nagtamo ng malubhang injury sa paa ang golf superstar nang bumangga at nagpagulon­g-gulong sa pababang kalsada sa Los Angeles suburbs ang minamaneho­ng sasakyan nitong Martes (Miyerkoles sa Manila).

Ayon sa ulat ng Los Angeles Times at ESPN, mula umano sa mapagkakat­iwalaang source, nagtamo si Woods nang bali sa mga paa. Sa pahayag ng kanyang agent, kaagad na sumailalim sa surgery ang mga paa ni Woods at inilarawan­g malubha ang kalagayan.

Ito ang ika-10 surgery ni Woods na nagtamo ng mga injury sa tuhod, likod at leeg sa nakalipas na dekada.

Kaya ang malaking katanungan at kung makalalaro pang muli ng golf ang 15-time major golf champion.

“As if his body hasn’t endured enough,” pahayag ni Jon Rahm, ang No. 2 player sa world na kasalukuya­ng naglalaro sa Workday Championsh­ip sa Florida. “I just hope he can get out of the hospital after recovery and he can still play with his kids and have a normal life.”

Nasa Los Angeles si Woods nitong weekend bilang tournament host sa Genesis Invitation­al na nagtapos nitong Linggo, at kasalukuya­ang inaasyon ang film content para sa kanyang Discovery-owned GOLFTV.

Hindi pa naglalaro si Woods mula nang sumailalim sa back surgery – ikalimang pagkakatao­n – nitong Dec. 23.

“I’m sick to my stomach,” smbit ni Justin Thomas, ang No. 3 sa world at isa sa batang players na ipinapalag­ay na susunod sa kanyang mga yapak. “It hurts to see one of my closest friends get in an accident. Man, I just hope he’s all right.”

Kaagad ding nagpaabot nang pag-aalala at dasal ang mga kapwa sports superstars at kaibigan tulad nina Jack Nicklaus at Michael Jordan, Mike Tyson, at dationg US Presidents Barack Obama at Donald Trump, na kapwa regular na nakakalaro ni Woods. Nitong 2019, pinagkaloo­ban si Woods ng Presidenti­al Medal of Freedom sa White House. Napantayan ni Woods ang 82 career PGA wins ni Sam Snead at tatlong major title ang layo sa record na 18 na tangan ni Nicklaus. Sa panayam sa Genesis Invitation­al television broadcast, sinabi ni Woods na umaasa siyang makalalaro sa Masters sa April 8-11.

Ayon kay Los Angeles County Sheriff Alex Villanueva, naibsan ang injury ni Woods dahil sa airbags sa kanyang SUV nang maganap ang insidente ganap na 7:15 ng umaga.

Sa inisyal na imbestigas­yon, walang bahid ng alcohol o anumang gamot sa sasakyan ni Woods, ngunit walang impormasyo­n kung gaano kabilis ang kanyang pagmamaneh­o.

 ?? AFP ?? RECKLESS?
Wasak ang sasakyan ng golfer na si Tiger Woods nang bumaligtad ito sa Rancho Palos Verdes sa California, nitong Pebrero 23. Isinugod si Woods sa ospital matapos masugatan sa aksidente.
AFP RECKLESS? Wasak ang sasakyan ng golfer na si Tiger Woods nang bumaligtad ito sa Rancho Palos Verdes sa California, nitong Pebrero 23. Isinugod si Woods sa ospital matapos masugatan sa aksidente.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines