Balita

PDEA CHIEF, BOC OFFICIALS KINASUHAN

Dawit sa bilyun-bilyong shabu shipment?

- Ni JEFFREY DAMICOG

Ipinaghara­p ng kasong kriminal sina Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva, Bureau of Customs (BOC) Commission­er Rey Leonardo Guerrero at iba pang opisyal at kawani nito, at mga pribadong indibidwal kaugnay ng “tapioca starch” shipment na naglalaman ng bilyun-bilyong iligal na droga noong 2019.

Ang reklamo ay isinampa ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) sa Department of Justice (DOJ) nitong Martes.

Bukod kay Guerrero, kinasuhan din ng paglabag sa Republic Act 6713 (Code of Conduct for Public Officials and Employees) sina

BOC Deputy Commission­er Raniel Ramiro, dating PDEA Director General Aaron Aquino.

Sinampahan din ng paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) sina Villanueva, Ramiro at Aquino.

Kabilang din sa kinasuhan sina Joel Plaza, Aldrin Albarino, Jigger Montallana, Melvin Estoque, Mark Malibiran, Judith Rigo, Dorcas Repolles, Noilan Avila, Mark Espiritu, Marc Anthony Marero, Cesar Carlo Bilowan, Alejandro Noble, Kathryn Joy Dionio, Koden Dario, Ivy Joy Nitura, Vincent Puti at Rory Dela Torre.

Sina Nitura at Puti ay kinasuhan din ng paglabag sa Republic Act

10863 (Customs Modernizat­ion and Tariff Act).

Sinabi rin ng NBI na dapat ding sampahan ng kasong administra­tibo ang mga opisyal at empleyado ng PDEA at BOC.

Sinabi ng NBI, dapat ding dagdagan ng kaso sina Aquino, Guerrero, at Ramiro.

Kinasuhan din ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002) ang PDEA personnel na sina Daniel Martinez, Mark Erick Espiritu, at Lester Matobago, at private individual­s na sina Muktasil Abundol Asimuddin, Alexander Jun Wah Ting Lee, Aaron Talingting, John Mark Macapagal, Joyce Anne Tumang, Emmanuel Delos Reyes Landicho, Maria Feliza Gonzales, George Fernandez, at isang “Mr. Ke.”

Matatandaa­ng ibinunyag ni Senator Panfilo Lacson ang nasabing “tapioca starch” shipment noong 2019.

Noong Marso ng nasabing taon, isinubasta ang nasabing inabandona­ng “tapioca starch” o gaw-gaw sa Manila Internatio­nal Container Terminal (MICT) at nabili ng nanalong bidder na Goldwin Commercial.

Gayunman, ini-report ng nasabing bidder sa BOC na ang nasabing kargamento na nagmula pa sa Cambodia ay naglalaman ng methamphet­amine hydrochlor­ide (shabu) na nakasiksik sa aluminum pallets.

Naiulat din ng PDEA na nakasamsam sila ng 146 kilo ng shabu sa nabanggit na kargamento.

Gayuman, ipinaliwan­ag ni Lacson na bago pa magkaroon ng subasta, nagsagawa ng joint inspection ang PDEA, BOC, at MICT sa nasabing kargamento batay na rin sa natanggap na imporamsyo­n na naglalaman ito ng illegal drugs.

Naghinala rin si Lacson na sinuri pa muna ng PDEA ang samples ng naturang kargamento bago pa nila ito maisubasta, kaya naniniwala ito na alam nila na naglalaman ng iligal na droga ang kargamento, gayunman, hindi ito ipinaalam sa BOC.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines