Balita

Panukalang hatiin ang Maguindana­o, inendorso sa Senado

- Vanne Elaine P. Terrazola

Isang panukala na naghahanga­d na hatiin ang Maguindana­o sa dalawang lalawigan ang inendorso para sa pag-apruba ng Senado.

Si Senador Francis Tolentino, chairman ng Senate Committee on Local Government, ang nag-sponsor ng panukalang batas sa Kamara na nagmumungk­ahi na hatiin ang lalawigan ng Maguindana­o sa Hilagang Maguindana­o at Timog Maguindana­o sa ilalim ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa ilalim ng House Bill 6413, labindalaw­ang munisipali­dad ang bubuo ng lalawigan ng Hilagang Maguindana­o, habang ang natitirang 24 na bayan ay magiging bahagi ng Timog Maguindana­o.

Ang mga munisipali­dad na isasama sa ilalim ng Northern Maguindana­o ay ang: Barira, Buldon, Datu Blah Sinsuat, Kabuntalan, Matanog, Northern Kabuntalan, Parang, North Upi, Sultan Kudarat, Sultan Mastura, Talitay, at Datu Odin Sinsuat, na magsisilbi­ng kabisera nito.

Samantala ang, Southern Maguindana­o ay bubuuin ng mga bayan ng Ampatuan, Datu Abdullah Sangki, Datu Anggal Midtimbang, Datu Hoffer Ampatuan, Datu Montawal, Datu Paglas, Datu Piang, Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Datu Unsay, Gen. Salipada K. Pendatun, Guindulung­an, Mamasapano, Mangudadat­u, Pagalungan, Paglat, Pandag, Rajah Buayan, Sharif Aguak, Sharif Saydona Mustafa, Sultan sa Barongis, Talayan, South Upi, at Buluan, na magiging kabisera.

Sa pagtulak sa pagpasa ng panukalang batas, sinabi ni Tolentino na ang panukalang paghati ng Maguindana­o ay makakatulo­ng na mapalakas ang kaunlaran ng lipunan at pangekonom­iya at itaguyod din ang katatagan ng politika sa rehiyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines