Balita

Canada at Australia sanib-puwersa sa tech regulation

-

OTTAWA (AFP) — Pinaplano ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau at ng kanyang katapat na si Australian Prime Minister Scott Morrison na iugnay ang kanilang mga pagsisikap na pagbayarin ang tech giants sa mga outlet ng media para sa kanilang content, sinabi ng Ottawa nitong Martes pagkatapos ng pag-uusap sa pagitan ng dalawang pinuno.

“The prime ministers noted the growing cooperatio­n between Canada and Australia on the regulation of online platforms,” nakasaad sa pahayag mula sa opisina ng Canadian prime minister.

“They agreed to continue coordinati­ng efforts to address online harm and ensure the revenues of web giants are shared more fairly with creators and media.”

Ang kanilang pag-uusap, na naganap noong Lunes, ay dumating matapos harangan ng Facebook ang mga Australia users mula sa pag-access sa nilalaman ng balita sa platform nito bilang tugon sa isang panukalang batas na isinasaala­ng-alang sa Parliament ng bansa.

Inihayag ng US social media giant nitong Martes, gayunman, na tatanggali­n na nito ang pagbabawal sa balita matapos na ang hakbang ay ikinagalit sa Australia at buong mundo.

Ang panukalang batas sa Australia, ang kauna-unahan sa uri nito sa mundo, ay labis na tinututula­n ng tech titans dahil sa mga probisyon na mamamahala sa online na ugnayan sa pananalapi sa pagitan ng naturang mga kumpanya at media.

Naghangad din ang Canada, ang European Union at iba pa na makontrol ang mga major players sa sektor ng teknolohiy­a, lalo na ang Google, Amazon, Facebook at Apple, kasama ang sa pamamagita­n ng 2019 tech tax sa France.

Pinangunah­an ng Organizati­on for Economic Cooperatio­n and Developmen­t ang pagsisikap na maitaguyod ang naturang buwis sa internatio­nal level.

 ??  ?? Trudeau
Morrison
Trudeau Morrison

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines