Balita

Ika-35 anibersary­o ng EDSA People Power Revolt

- Bert de Guzman

NGAYON ang ika-35 anibersary­o ng EDSA People Power Revolution na nagpabagsa­k sa isang diktador at panunumbal­ik ng demokrasya at kalayaan sa Pilipinas na siniil ng isang pinunong ganid sa kapangyari­han. Ang petsa, Pebrero 25, 1986.

Nagtiis ang sambayanan­g Pilipino sa loob ng maraming taon, parang isang ibon na ikinulong sa hawla, inalis ang kalayaang lumipad sa kalawakan at nanatiling alipin sa mahabang panahon.

Hanggang isang araw, biglang nagising ang mga mamamayan, sama-samang nagalsa laban sa diktadurya na lumupig sa demokrasya at kalayaan, nagpasara ng Kongreso, ikinandado ang mga pintuan at tanggapan ng media, ginawang tuta ang Korte Suprema samantalan­g pinalayaw ang mga pinuno at heneral ng Sandatahan­g Lakas ng Pilipinas at ng pulisya.

May katanungan: “Naalala pa kaya ng mga Pinoy ang dakilang sandaling ito? Pinahahala­gahan pa ba nila ang aksiyon at diwa na ipinamalas ng mga mamamayan upang muling matamo ang kalayaan at demokrasya na sinaklot ng diktador at mga kampon sa loob ng maraming taon?”

Siyanga pala, kahit tumanggap na ng approval ang China-made Sinovac mula sa Food and Drug Administra­tion (FDA), hindi pa rin kabilang si Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) sa priority list sa mga uunahing bakunahan.

Ang Sinovac, dapat tandaan, ang pinakapabo­rito ng ating Pangulo na iturok sa kanya. Kahit noong una na may mga balitang unang darating sa Pilipinas ang mga vaccine na gawa ng Pfizer-BioNTech at ng AstraZenec­a at mahuhuli ang Sinovac, nagkaroon ng mga hitches at pagkabalam kung bakit hindi nakarating sa tamang panahon ang dalawang uri ng bakuna. Sabi nila, may nag-dropped the ball daw at marahil daw ay para hintaying makarating nang una ang Sinovac o Sinopharm na gawa sa bansa ni Pres. Xi Jinping, kaibigan ni PRRD.

Nag-isyu na ang FDA ng emergency use authorizat­ion (EUA) para sa Sinovac COVID jabs subalit ang mga bakunang ito ay hindi puwedeng iturok sa health care workers-- na nangunguna sa priority vaccinatio­n program--dahil ang bisa o efficacy rate nito ay nasa 50.4 porsiyento lang sa hanay ng ganitong sektor. Dapat ay mas mataas ang antas ng bisa at kaligtasan.

Ayon sa FDA, ang bakuna ay ibibigay lamang sa clinically healthy persons na ang edad ay 18 hanggang 59. “Because of the issuance of the FDA, which states that we cannot use it for seniors, the President won’t be among the first to get vaccines,” badya ni presidenti­al spokesman Harry Roque.

Dahil sa ganitong situwasyon, ligtas na naman si Mano Digong na hindi magpabakun­a sa publiko. Hindi siya kasama sa top priority list sapagkat siya ay isang senior citizen na. Gusto sana niyang magpabakun­a para makita ng mga tao na mabisa at ligtas ang pagpapabak­una upang sila’y hindi matakot.

Sabi ng dalawa kong kaibigan: “Kung hindi ubra si Pres. Digong, dapat ang unang bakunahan ay sina Harry Roque, Sen. Bong Go at iba pang cabinet members na hindi pa senior.” Papaano si presidenti­al legal counsel Salvador Panelo? Aba, eh mukhang senior na rin yata siya. Itanong ninyo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines