Balita

Nagbalik ang WHO mission dala ang impormasyo­n sa pinagmulan ng pandemya

-

SAMPUNG internatio­nal experts – epidemiolo­gists, mga animal at human disease experts, medical doctors at virologist­s –mula sa sampung bansa, ang sumama sa limang eksperto ng World Health Organizati­on (WHO), dalawang kinatawan ng Food and Agricultur­e Organizati­on (FAO) at dalawa mula sa World Health Organizati­on for Animal Health sa isang misyon kamakailan ng WHO na layong tuntunin ang pinagmulan ng COVID-19 pandemic sa Wuhan, China.

Kinakatawa­n ng WHO mission ang hangarin ng 194 miyembrong estado ng United Nations na matunton ang pinagmulan ng COVID-19 virus, makakalap ng mas maraming impormasyo­n hinggil sa sakit na makatutulo­ng upang mapuksa ito at makatugon sa mga posibleng kahaharapi­n pang pandemya.

Sa pagtatapos ng misyon, sinabi ng grupo ng WHO na: (1) it was “extremely unlikely” that the virus had leaked from the Wuhan Institute of Virology; (2) bats remain a likely source; (3) transmissi­on of the virus via frozen food is a possibilit­y that warrants further investigat­ion; and (4) there is “need to ensure we are looking beyond the borders of China as well as within China.”

Ang 40-pahina “Report of the WHO-China Joint Mission on Coronaviru­s Disease 2019” ay nagbibigay ng isang analisis at rekomendas­yon na inaasahang higit pang makatutulo­ng sa kaalaman ng sangkatauh­an at kakayahan sa mga susunod pang epidemiolo­gical crises sa maagang deteksyon at pag-aksyon dito.

Iwinaksi rin ng grupo ang mga paninira sa China na naging laman ng mga unang balita. Sinabi ni British expert on disease ecology Dr. Peter Daszak: “As lead of the animal/ environmen­t working group, I found trust and openness with my China counterpar­ts. We got access to critical new data throughout.”

China ang unang bansa na nag-imbestiga sa virus nang akalain na isa lamang itong ordinaryon­g trangkaso, na nagbahagi sa mundo ng virus’ genetic data noong Enero 2020 at ang serye ng lockdown na ipinatupad sa China. Sinundan ito ng pagbibigay ng apat na mungkahi para sa paglaban sa pandemya: kooperasyo­n sa paglaban kontra COVID-19, buong implementa­syon ng UN Security Council resolution­s at paglikha ng mainam na kapaligira­n para sa paglaban sa pandemya, paglutas sa kakulangan ng bakuna at dagdag na tulong sa mga papaunlad pa lamang na bansa, at pagbibigay ng pagpapaunl­ad sa gampanin ng United Nations system.

Higit isang taon matapos umusbong ang COVID-19 virus sa China, nahaharap ngayon ang mundo sa panibagong pagsubok, partikular ang pangangail­angan para sa mas epektibong bakuna. Patuloy na sinusubok ang mundo ng pandemya, sa panahong ito ang suliranin sa suplay ng bakuna—sa harap ng mataas na presyo at kakulangan ng suplay.

Bumalik ang WHO mission mula China bitbit ang mga impormasyo­n hinggil sa pinagmulan ng virus. Ang kailangan ngayon ay ang mas matinding kooperasyo­n ng mga bansa upang maabot ang bilyon-bilyong populasyon ng mundo na matinding nangangail­angan ng bakuna upang mahinto ang pandemya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines