Balita

Super Tekla nagreminis­ce bago lisanin ang dating tirahan

- Ni DANTE A. LAGANA

TULUYAN na ngang nilisan ng Kapuso comedian na si Super

Tekla ang condo unit na naging love nest nila ng dating ka-live in partner niyang si Michelle Lhor

Bana-ag. Ang lugar na piping saksi sa pagmamahal­an at sa mga naging masalimuot na issue sa kanilang dalawa. Sa pamamagita­n ng vlog ibinahagi nila Tekla at ng kanyang katandem na si Donita Nose ang nakakaaliw na paglilipat ng bahay. Bago maghakot ng mga gamit sila Tekla may pabuntung hininga siya sa mga alaala ng unit na kanyang tinirhan ng halos tatlong taon. Sey niya, “Ang daming memories ng bahay na ito ng unit na ito. So after all ayaw ko sanang alisan ito gusto ko sanang bilhin ito kaso hindi siya parang hindi siya wise, parang hindi.” Sabay nagtawanan ang dalawang komedyante. Pagsasalo ni Donita hindi raw ito magandang bilhin kasi sa laki ng pamilya ni Tekla kulang na kulang ang space para sa kanila. Oo nga naman. Sa huling paglilibot sa unit, aminado si Tekla na maraming negative na nangyari pero nagturn naman daw ito into positive. Giit niya perfect get away daw ang paglilipat niya ng bahay at perfect exit. Saad naman ni Donita ito ay isang perfect beginning para kay Tekla. Pinaka memorable daw kay Tekla ay ang kuwarto na itinuro ni Donita. Dahil yun daw ay noong ipina-Tulfo siya ng kanyang dating kinakasama. Nagtawanan na lang uli ang dalawa. Sa townhouse na lilipatan ni Tekla magkakaroo­n daw siya ng katiwasaya­n, makapag-work, makakagala­w ng maayos at new environmen­t. Bukod doon magiging magkapitba­hay na sila ni Donita. Ang part na nakakaaliw sa vlog nila ay nang umpisahan nang dalhin ang mga gamit ni Tekla na aniya sa isang mamahaling sasakyan ilalagay na nirentahan niya at ito raw ay sa isang Lamborghin­i. Swak daw para sa townhouse na kanyang lilipatan. Ang sosyal huh! Pero ang nakakatawa, Lamborjeep­ney pala as in jeep na pampasaher­o ha ha ha. Hindi lang iyon dahil mismong si Donita Nose ang nagdrive ng jeep papunta sa lugar na kung nasaan ang bagong bahay ni Tekla. O diba kaaliw!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines