Balita

Warriors, nanalasa sa MSG

-

CLEVELAND (AFP) — Naisalpak ni Lamar Stevens ang dunk may 4.1 segundo sa laro para sandigan ang Cleveland Cavaliers laban sa Atlanta Hawks, 112-11, at tuldukan ang 10-game losing streak – pinakamaha­ba sa NBA ngayong season – nitong Martes (Miyerkoles sa Manila).

Ito ang unang panalo ng Cleveland mula nitong Feb. 1.

Hataw si Collin Sexton sa iskor na 29 puntos, habang kumana sina Darius Garland ng 17 at Jarrett Allen ng 13 puntos at 14 rebounds para sa Cavs.

Doble ang blackeye kay Trae Young sa kabiguan matapos isnabin ang Hawks satr parfa sa All-Star reserve. Kumana siya ng 28 puntos at 12 assists.

WARRIORS 114,

KNICKS 106

Sa New York, nagbalik ang crowd sa pamosong Madison Square Garde, gayundin ang shooting touch ni Stephen Curry na kumana ng 37 puntos, tampok ang apat na three-pointer sa panalo ng Golden State Warriors laban sa Knicks.

Nag-ambag sina Kelly Oubre Jr. ng 19 puntos at tumipa si Andrew Wiggins ng 16 puntos sa Warriors.

Kumana si Julius Randle, napili sa unang pagkakatao­n sa All-Sta, ng 25 puntos, 10 rebounds at pitong assists.

BUCKS 139, TIMBERWOLV­ES 112

Sa Milwaukee, ratsada si Giannis Antetokoum­po sa naiskor na 37 puntos, walong rebounds at walong assists sa panalo ng Bucks sa Minnesota Timberwolv­es.

Nanguna sina KarlAnthon­y Towns at Malik Beasley sa Wolves na may tig16 puntos.

NETS 127, KINGS 118

Sa New York, tumipa si Bruce Brown ng 29 puntos, tampok ang 13 sa final period para gabayan ang Brooklyn laban sa Sacramento.

Naitala ni James Harden ang ika-anim na triple-double bilang Nets -- 29 puntos, 11 rebounds at 14 assists, habang nagsalansa­n si Kyrie Irving ng 21puntos para hilahin ang winning streak ng Nets sa pito at 21-12 karta. Sa iba pang laro, nagwagi ang Detroit Pistons sa Orlando Magic, 105-93;

Naungusan ng Dallas Mavericks ang Boston Celtics, 110-107;

Ginapi ng Los Angeles Clippers ang Washington Wizards, 135-116; pinalamig ng Denver Nuggets ang Portland Trailblaze­rs, 111-106., nagwagi ang Sixers sa Raptors, 109-102.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines