Balita

Sotto, isasabak sa FIBA OQT?

- Marivic Awitan

NAGMISTULA­NG "blessing in disguise" ang kabiguan ni Kai Sotto na makalaro sa NBA G League dahil balak ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na palaruin siya sa Gilas Pilipinas para sa darating na FIBA Olympic Qualifying Tournament (OQT).

Kinumpirma ni SBP special assistant to the president Ryan Gregorio ang balak na isama ang 18-anyos na sentro sa koponan ng bansang isasabak sa Tokyo Olympics qualifier.

Kung matutuloy ay malaking tulong ito at magsisibin­g boost sa career ni Sotto.

Matapos magdesisyo­ng maglaro sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers kesa maglaro sa Ignite sa NBA G League noong Pebrero hindi na nakabalik at nakasama sa ongoing bubble season ng G League si Sotto. Sa kasawiiang palad hindi natuloy ang Asia Cup qualifiers.

Kung kaya swerteng maituturin­g ang anunsiyo ng FIBA na ang Pilipinas ay sasabak sa Olympic qualifying tournament sa Serbia kapalit ng nag withdraw na New Zealand.

Ayon kay SBP president Al Panlilio hangad nilang magbuo ng pinakamahu­say na koponan hindi lamang para sa hangaring mag qualify kundi mabigyan din ang Gilas Pilipinas ng world-class exposure tungo sa nakatakdan­g hosting ng bansa ng FIBA World Cup sa 2023.

“Whenever we compete in internatio­nal tournament­s, we always aim to send the best team possible to make our Filipino fans proud,” ani Panlilio.

Kung sakali, magandang exposure ang matatamo ni Sotto dahil mey pagkakatao­n siyang makatapat ang prized big man ng Serbia na si Nikola Jokic at ang 7-foot-4 giant na si Boban Marjanovic at kung sakali gayundin sina dating NBA All-Star Al Horford at dating NBA top overall pick Karl-Anthony Towns ng Dominican Republic.

Naniniwala si Gilas assistant coach Norman Black na kaya ni Sotto na sumabak sa nasabing elite competitio­n.

“He is now stronger and more skilled,” ani Black na isa sa mga coaches na nagsanay kay Sotto sa Gilas Pilipinas bubble sa Laguna.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines