Balita

Andrea, wish makapagtra­vel alone

- NORA CALDERON

INI-ENJOY ni Kapuso actress Andrea Torres ang single life niya ngayon, kaya ayaw na niyang sumagot tungkol sa kanyang lovelife. Sa ngayon, ang dream niya, makapag-travel mag-isa sa ibang bansa, at gusto niyang puntahan ang mga lugar sa Europe.

“Inspired ako ng novel-turnedmovi­e na Eat, Pray, Love, na ang bida ay nag-travel alone sa Italy, India at Bali,” kuwento ni Andrea. “Iyong lead star, hinanap ang sarili matapos ang dinaanang hiwalayan sa karelasyon. Kaya dream ko nga ngayon, mag-biyaheng mag-isa at gusto kong puntahan ang Europe. Mahilig kasi akong mag-ikot-ikot, maglakad-lakad, mag-exploreexp­lore.

“Kahit dito sa atin, mahilig akong maglakad-lakad sa streets, puntahan kung ano lang ang maisipan kong cafe o restaurant­s, kahit mag-isa lamang ako. Kapag nasa abroad naman ako, gusto ko ring nakikipagu­sap sa strangers. I make friends with them. Kaya kapag natapos na itong pandemic na pinagdaraa­nan natin, balak kong mag-travel alone, magkakalap­it lamang naman ang mga bansa sa Europe, madali lang puntahan, mati-train mo lamang itong lahat.”

Naikuwento pa ni Andrea, kahit sa lock-in taping nila ng upcoming Kapuso primetime series nilang Legal Wives, ini-enjoy niyang i-explore ang lugar na mag-isa.

“Minsan na nga akong naligaw sa pagbalik ko sa location namin. Meron kasing lake doon sa lugar na gusto kong puntahan, pero hindi ko nakita at naligaw na rin ako sa pagbalik,” natatawang patapos ni Andrea.

Very soon ay mapapanood na ang cultural drama series na “Legal Wives” sa GMA-7, kasama ni Andrea sina Dennis Trillo, Alice Dixson, Bianca Umali at iba pang cast, sa direksyon ni Zig Dulay.

 ??  ??
 ??  ?? Andrea
Andrea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines