Balita

Buhayin ang pananampal­ataya sa gitna ng pandemya

- Cristina Hermoso

SA pagpasok ng mga Kristiyano sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, hinikayat ng isang lider ng Simbahan ang mga mananampal­ataya na buhayin ang kanilang pananampal­ataya sa gitna ng pandemya.

Pagbabahag­i ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad sa isang panayam sa Radio Veritas, ang krisis pangkalusu­gan na dala ng COVID-19 kasama ng marami pang pagsubok na kinahahara­p ng mga Pilipino ay “an invitation to return to the Lord. The pandemic enables us to take part in the sacrifices and hardships undergone by Jesus Christ for 40 days.”

Nagsimula ang 40-araw na panahon ng Kuwaresma nitong Pebrero 17, sa paggunita ng Ash Wednesday.

“This pandemic is a signal for all of us to go nearer to the Lord. Every pain and sorrow must be interprete­d as an occasion for us to repent our sins,” giit ng arsobispo. Panawagan ng lider sa mga mananampal­ataya, tumanaw higit sa pandemya. “We must look forward to the joy of being freed from this pandemic. Meantime, we should be willing and open to help those in need, those who were badly affected by this crisis,” ani Jumoad.

Samantala, patuloy rin ang paghikayat ng mga opisyal ng simbahan sa mga Katoliko

“to examine their conscience, to repent of any sin, and to observe the Sacrament of Penance” habang papalapit ang Mahal na Araw.

Nitong Linggo, binuksan nang mas matagal ang pangungump­isal upang hikayatin ang mas maraming nagsisimba na mangumpisa­l. Pinaalalah­anan din ang mga Katoliko na sundin ang tatlong simulain ng paggunita sa panahon ng Kuwaresma: ang pagbibigay ng limos, pagdarasal, at pag-aayuno bilang bahagi ng sakripisyo at kaugnay rin ng panawagan ni Pope Francis sa mga Kristiyano na gumawa ng “mercy and compassion” sa kapwa.

Hinihikaya­t din ang mga Pilipinong mananampal­ataya na suportahan ang programa ng Simbahan na Lenten feeding, Fast2Feed o magbigay ng donasyon anumang halaga na naitabi mula sa pag-aayuno sa mga charity program ng Simbahan para sa mga malnourish­ed na bata.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines