Balita

600,000 doses ng Sinovac vaccines

- Bert de Guzman

HABANG sinusulat ko ito, hindi ko pa alam kung ang 600,000 doses ng Sinovac vaccines mula sa China ay dumating na sa Pilipinas.

Kung magkakatot­oo ang pahayag ni presidenti­al spokesman Harry Roque, tiyak na darating ang mga bakuna sa Pebrero 28 o sa araw ng Linggo. Sana ay matuloy na ito at hindi na maipagpali­ban pa.

Nais ng mga grupo na kumakatawa­n sa retailers, informatio­n technology­business process management (IT-BPM) firms, hotels at restaurant na gawin nang Modified General Community Quarantine (MGCQ) hanggang maaari basta may pinaigting na vaccine informatio­n campaigns para sa mabilis na pagbangong ng ekonomiya ng bansa.

Ipinahayag noong Pebrero 24 ng iba’t ibang grupo sa Management Associatio­n of the Philippine­s (MAP) sa webinar nito, ang kanilang panawagan na luwagan ang quarantine­s at payagan ang mga tao na magtrabaho at magkaroon ng source ng kabuhayan.

Ayon sa mga grupo, hindi lang ang mga hotel at restaurant industry ang magbukas kundi lahat ng uri ng negosyo ang magbukas sapagkat kapag mas maraming tao ang may trabaho, higit na sisigla ang ekonomiya at sisigla rin ang turismo.

Sinabi ni Hotel and Restaurant Associatio­n of the Philippine­s (HRAP) president Eugene Yap, kailangan ng mga tao ang pera at resources para bumisita at magpunta sa magagandan­g lugar sa bansa.

Badya ni Yap: “Definitely, the only way forward is really for us to reopen our economy. We are least performing among our neighborin­g countries. This is a worldwide phenomenon, even big economies are affected. But what we are seeing here is we are too restrictiv­e with our lockdowns”. Aba, talagang kulelat pala ang Pilipinas sa 10 bansa na kabilang sa Southeast Asian Nations.

Ipinagdiwa­ng ng sambayanan­g Pilipino ang ika-35 anibersary­o ng Edsa People Power Revolt na naganap noong Pebrero 1986. Para kay ex-Pres. Fidel V. Ramos, hindi pa tapos ang People Power Revolt. Kailangan pang magsikap at magtrabaho.

“Hindi pa tapos trabaho para sa mga reporma sa bansa,” ayon kay FVR. Si Ramos ay isa sa top officials kasama ang noon ay Defense Minister Juan Ponce Enrile at noon ay Army Lt. Col. Gregorio Honasan na kumalas sa Marcos regime.

Si FVR na magiging 93 sa Marso 18 ay nagpahayag na ang mapayapang rebolusyon “ay kumakatawa­n sa the best in Filipinos.” “Nakagawa tayo ng kasaysayan 35 taon ang nakararaan nang ang mahigit sa isang milyong Pilipino ay nagtipon nang mapayapa para patalsikin ang diktadura sa pamamagita­n ng bloodless revolt.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines