Klea Pineda, malaki ang pasasalamat kay Sunshine Dizon
NAPUPURI ng Kapuso viewers ang husay umarte ni Klea Pineda sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Magkaagaw. Hindi nga naman nagpapahuli si Klea sa acting nina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz na mas senior sa kanya.
Bilang si Clarisse na niloko ng asawa, dalangdala ni Klea ang emosyon ng asawang niloko at ipinagpalit ng asawa sa ibang babae. Natural ang iyak ni Klea, hindi na yata nito kailangan ng Vick’s para maiyak at bawat episode, umiiyak ito at may mga hugot lines na nararamdaman ng nanonood.
Bukod sa kanilang director sa “Magkaagaw” na si Gil Tejada, Jr., isa sa pinasasalamatan ni Klea si Sunshine na gumaganap na kanyang ina sa drama series. Pinost ni Klea ang litrato nila ni Sunshine sa Instagram at may mahabang caption.
“I actually don’t know where to start... Ate Shine, marami akong dapat ipagpasalamat sayo. Napakarami kong natutunan sayo, hindi lang sa pagarte kundi pati na rin kung paano maging mabuting tao. Inalalayan mo ako in every step of the way, hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon. Isa ka sa mga blessings na ibinigay sa akin ni God para mas mahalin ko ang ginagawa ko. Masaya ako dahil mas naging close tayo dito sa lockin taping.
Naalala ko nung araw natin na nag taping for Magkaagaw, natatakot ako na maka eksena ka dahil baka maboljak mo ako at inalalayan sa bawat eksena na nahihirapan ko. Marami akong natutunan sayo ate, I’m grateful and proud dahil nakatrabaho kita. Mahal kita, ate.!
Sumagot si Sunshine ng, “Love you, proud of you, I believe in you and know that you can always count on me wag mo lang ako papuntahin sa set. Always fight the good fight.”