Balita

Mosyon ni Napoles, ibinasura

- Czarina Nicole Ong Ki

Tinanggiha­n ng Sandiganba­yan ang mosyon ng negosyante­ng si Janet Lim Napoles na pigilan ang mga ebidensyan­g iniharap ng whistleblo­wer na si Benhur Luy kaugnay ng kinakahara­p na kasong pandarambo­ng, kasama ang dating senador na si Juan Ponce Enrile.

Partikular na ibinasura ng antigraft court ang motion to suppress evidence na isinampa ni Napoles dahil “hindi ito tinatangga­p sa anumang pag-usad ng kaso sa anumang hukuman sa alinsunod sa Section 18 ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Law.”

Nahaharap si Napoles sa kasong plunder at 15 graft cases kaugnay ng inilabas ni Enrile na Priority Developmen­t Assistance Fund (PDAF) para sa inindorson­g bogus na nongovernm­ent organizati­ons na pag-aari ng nasabing negosyante.

Nakabinbin pa rin ang kaso ni Enrile na kasalukuya­ng nakalalaya nang magpiyansa sa pamamagita­n ng “humanitari­an reasons” nito.

Sa kanyang mosyon, iginiit ni Napoles na hindi tinatangga­p sa hukuman ang mga ebidensiya­ng iniharap ni Luy, katulad ng Daily Disburseme­nt Records, Summary of Rebates, draft endorsemen­t letters, project listings, memorandum of agreements, at working financial plans ng kanyang tanggapan dahil bunga umano ito ng tinatawag na “poisonous tree.”

Iginiit din nito na hindi reliable witness si Luy dahil aminado umano ito na isang “kriminal” at nakuha niya ang mga dokumento sa iMac computer ng JLN Corporatio­n sa iligal na pamamamara­an.

“Verily, it could not be said at this point that Luy had illegally accessed the files of JLN Corporatio­n. In the same manner, to label Luy as a ‘hacker’ at this stage of the proceeding­s would still be premature,” ayon sa korte.

Nilinaw pa ng korte na hindi na kailangang mag-apply ng search warrant dahil isang pribadong indibwal si Luy na nagbigay sa National Bureau of Investigat­ion (NBI) ng kanyang files at nilalaman ng hard drive nito.

“Considerin­g that the NBI was able to access the files through the external hard drive owned by Luy, the reliance of Napoles on the exclusiona­ry rule under Section 18 to suppress the subject evidence is misplaced,” ayon pa sa korte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines