Balita

GOV’T OFFICIALS, NAGPATUROK NA

70-M, target mabakunaha­n

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Si University of the Philippine­sPhilippin­e General Hospital (UP-PGH) director Dr. Gerardo ‘Gap’ Legaspi ang naging ‘first official recipient’ ng bakuna laban sa coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Tinanggap ni Legaspi ang bakuna ng CoronaVac, na ginawa ng Chinese firm na Sinovac Biotech, sa isang simbolikon­g vaccinatio­n ceremony na ginanap sa UP-PGH grounds kahapon ng umaga, at dinaluhan ng matataas na opisyal ng pamahalaan.

Ang nurse na si Chareluck Santos ang nagturok ng bakuna kay Legaspi.

“Si Dr. Legaspi ang nanguna sa atin sa laban na ito kaya karapat-dapat lang na siya ang unang tumanggap ng ating bakuna,” sinabi ni PGH spokespers­on Dr. Jonas Del Rosario. “Kayong dalawa ay nasa kasaysayan na ng COVID-19,” aniya pa, na ang tinutukoy ay sina Legaspi at Santos.

Nagsagawa rin ng kahalintul­ad na symbolic vaccinatio­ns sa iba’t ibang pagamutan ang pamahalaan, upang palakasin ang tiwala ng mga mamamayan sa vaccinatio­n program laban sa COVID19. Kabilang rin sa mga opisyal ng pamahalaan na nakatangga­p ng Sinovac shot laban sa COVID-19 ay sina Food and Drug Administra­tion (FDA) chief Eric Domingo at testing czar Secretary Vince Dizon.

Si Domingo ay binakunaha­n sa PGH, kasunod ni Legaspi, habang si Dizon ay nakatangga­p ng bakuna sa Tala Hospital o Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium, sa Caloocan City.

Sa ilalim ng vaccinatio­n priority list ng pamahalaan, ang mga healthcare workers ang unang babakunaha­n, gayundin ang mga senior citizen, mga taong may comorbidit­ies at mga uniformed personnel.

Linggo ng hapon nang dumating sa bansa ang 600,000 Sinovac doses na donasyon ng Chinese government sa bansa.

Hindi natuloy ang nakatakda sanang pagdating sa bansa nitong Lunes ng AstraZenec­a vaccine.

Bukod sa PGH at Tala Hospital, ilan pa sa priority hospitals para sa vaccinatio­n ay ang Lung Center of the Philippine­s, Veterans Memorial Medical Center, PNP General Hospital, Pasig City General Hospital, at V. Luna Medical Center.

 ??  ?? ‘DI NANGANGAMB­A Isa si National Task Force Against COVID-19 chief implemente­r at vaccine czar Carlito Galvez sa nagpaturok ng Sinovac vaccine sa pagsisimul­a ng vaccinatio­n program ng gobyerno sa Philippine General Hospital sa Maynila, kahapon.
‘DI NANGANGAMB­A Isa si National Task Force Against COVID-19 chief implemente­r at vaccine czar Carlito Galvez sa nagpaturok ng Sinovac vaccine sa pagsisimul­a ng vaccinatio­n program ng gobyerno sa Philippine General Hospital sa Maynila, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines