Balita

Taga-Hong Kong dumagsa sa labas ng korte

Protesta sa mga kalye ng Hong Kong.

-

HONG KONG (AFP) — Daan-daang democracy supporters ang nagtipon sa labas ng isang korte sa Hong Kong nitong Lunes at isinisigaw ang mga slogan at nagpakita ng mga simbolo ng protesta habang ilab sa mga kilalang dissidents sa lungsod ay inaasahang humarap para sa kasong subversion.

Nilalabana­n ng Beijing ang paglakas ng mga oposisyon sa semi-autonomous Hong Kong matapos dumagsa ang maraming residente sa mga kalye noong 2019 at minsan ay naging magulo ang mga demonstras­yon para sa demokrasya.

Kinasuhan ng pulisya noong Linggo ang 47 leading dissidents ng conspiracy to commit subversion batay sa bagong batas sa seguridad, sa paglalayon ng mga awtoridad na lumpuhin ang democracy movement.

Pinangunah­an ni US Secretary of State Anthony Blinken ang internatio­nal criticism sa mga bagong asunto, at nanawagan ng agarang pagpapalay­a sa grupo, habang inakusahan ng western powers ang Beijing ng paghubad sa mga kalayaan at awtonomiya na ipinangako nitong mananatili sa Hong Kong bago ito ibalik ng Britain.

Daan-daan ang pumila sa labas ng mga korye nitong Lunes sa isa sa pinakamala­king pagtitipon ng mga mamamayan sa loob ng ilang buwan habang nakamasid ang maraming pulis.

Sumigaw ang ilan ng slogans kabilang ang “Release all political prisoners” at “Liberate Hong Kong, revolution of our times” -- ang huli ay slogan na ayon sa mga awtoridad ay illegal sa ilalim ng bagong security law.

Ang iba ay nagpakita ng three-finger “Hunger Games” salute na ginamit ng mga kapwa democracy campaigner­s sq Thailand at Myanmar.

Ang mga mag-aaral na nakatanaw mula sa mga gusali ay sumigaw ng

“Add Oil” -- isang phrase ng panghihika­yat -- sa mga tao sa baba.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines