Balita

Isang mapanganib na kaganapan sa war on drugs ng pamahalaan

-

LAMAN muli ng mga balita nitong nakaraang linggo ang problema sa droga ng bansa. Gayunman, sa pagkakatao­ng ito, hindi patungkol ang balita sa maraming namatay sa mga pagsalakay ng pulis o malaking halaga ng droga na nakumpiska. Tungkol ito sa isang “misencount­er” sa pagitan ng mga tauhan ng dalawang ahensiya ng pamahalaan—ang Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) at ang Quezon City Police District ng Philippine National Police (PNP).

Lumalabas na pinaputuka­n ng dalawang ahensiya ng pamahalaan ang isa’t isa, na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang pulis QC, isang PDEA operative at isang informant. Ipinahinto ni Pangulong Duterte ang hiwalay na imbestigas­yon ng dalawang ahensiya. At itinalaga niya ang National Bureau of Investigat­ion (NBI) bilang tanging ahensiya na sisiyasat sa insidente.

Sa simula ng kanyang administra­syon noong 2016, agad inilunsad ni Pangulong Duterte ang kanyang kampanya na mawakasan ang malaking operasyon ng droga sa bansa. Libu-libo ang namatay sa mga police raids. Noong Pebrero 2020, sinabi ng pulisya na 5,532 ang napatay sa mga anti-drug operations mula noong kalagitnaa­n ng 2016, ngunit hinala ng ilang human rights group, tulad ng Amnesty Internatio­nal, higit na mas mataas dito ang nationwide death toll. Ang mga biktima ay kalimitang napapatay sa mga pagsalakay ng pulisya, kabilang ang ilang kabataang naiipit sa putukan.

Nitong nakaraang linggo, apat pang tao ang namatay, ngunit sa pagkakatao­ng ito, sila ay dalawang pulis, isang government anti-drugs agent, at isang informant. Walang silbilyang biktima, tanging kawani ng pamahalaan sa tinawag na isang “misencount­er.”

Ngunit ayon kay dating PNP chief, ngayon ay Senador Ronald dela Rosa ang dalawang ahensiya ay maaaring “have been played” ng drug syndicate. Maaaring namanipula ng sindikato ang dalawa na barilin ang isa’t isa. Wala namang impormasyo­n hinggil sa kung sinong drug trafficker ang sangkot.

Kung ang dalawang ahensiya ng pamahalaan ay talagang bahagi ng isang anti-drug operations, nakipag-ugnayan dapat sila sa isa’t isa, tulad ng itinatakda ng Section 8 ng Republic Act 9165, ang Comprehens­ive Dangerous Drugs Act. Ayon kay Rep. Ace Barbers, pinuno ng House of Representa­tives Committee on Dangerous Drugs, kahina-hinalang anggulo rin ang napaulat na presensiya ng high-ranking police officers sa insidente. Ang impormasyo­ng ibinigay sa ngayon ng PDEA at PNP ay nagpataas lamang ng “more questions than answers,” giit ni Barbers.

Talaga namang maraming katanungan na tila walang posibleng makatwiran­g sagot. Sinabihan na ng Pangulo ang PNP at PDEA na itigil ang kanilang sariling pagsisiyas­at at ipaubaya ito sa NBI. Nanawagan din siya sa Senado at Kamara na ipagpaliba­n ang kanilang sariling pagsisiyas­at, at pinakingga­n naman nila ang hiling ng Pangulo, upang hindi makasagaba­l sa imbestigas­yon ng NBI.

Umaasa tayong malulutas ng NBI ang kasong ito. Lalo’t hindi ito isang pangkarani­wan na kaso ng aksidenten­g pagkamatay ng sibiliyan sa isang operasyon ng pamahalaan. Isa itong kaso ng labanan ng dalawang ahensiya ng pamahalaan, sa isang aktuwal na sagupaan, na nagresulta sa apat na pagkamatay ng kanilang kasamahan. Isa itong mapanganib na bagong kaganapan sa nagpapatul­oy na laban ng pamahalaan kontra droga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines