Balita

DepEd: 1.1 milyong mag-aaral hindi nag-enroll ngayong taon

- Merlina Hernando-Malipot

NILINAW ng Department of Education (DepEd) nitong Lunes, na nasa 1.1 milyong mag-aaral lamang ang hindi nakapag-enrol ngayong taon sa basic education level. Pagbabahag­i ni DepEd Undersecre­tary Jesus Mateo, sa isang panayam sa DZRH, base sa pinakabago­ng enrollment data para sa School Year (SY) 2020-2021, may 26.6 million enrollees para sa pribado at pampubliko­ng mga paaralan.

“Based on our actual number, our data shows there are only about 1.1 learners who did not enroll this school year,” giit ng opisyal.

Sa datos na ibinahagi ni Mateo, ang total enrollment sa basic education level para sa taong panuruan ngayon—hanggang nitong Enero 15, 2021 –ay 26, 657, 411. Ito, aniya, ay “95.92 percent” ng enrollment noong SY 2019-2020 na 27.7 million.

Sa kasalukuya­n, ayon kay Mateo, may 22.7 million enrollees sa mga pampubliko­ng paaralan pa lamang. “We have 97 percent or 22.05 million of these learners are purely from public schools,” paliwanag niya.

Habang sa mga pribadong paaralan, base sa pinakabago­ng DepEd enrollment data mayroong 3.3 million enrollees. “We have at least 656,000 or three percent of that 22 million in private schools, these are those who transferre­d,” dagdag pa ni Mateo.

Ang paglilinaw na ito ng opisyal ay kaugnay ng resulta ng isang survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) nitong Pebrero 24 kung saan nasa 13 porsiyento o nasa tinatayang 4.4 million school-aged Filipinos ang hindi naka-enroll.

Isinagawa ang SWS survey sa 1,500 respondent­s noong Nobyembre 21-25, 2020 kung saan nabanggit din na 87 porsiyento ng lima hanggang 20-anyos na Pilipino o nasa 29.8 million ang kasalukuya­ng naka-enroll.

Gayunman, sinabi ni Mateo na sinusuri na ng DepEd ang resulta ng SWS survey at ikinukumpa­ra ito sa aktuwal na enrollment data na kasalukuya­ng hawak ng ahensiya.

“Our age school age group from Kinder to Grade 12 is from five years old to 17 years old,” paliwanag pa ng opisyal. “There are also those who are accepted in various grade levels even if they are over aged.”

Nabanggit din ni Meteo na kailangang ikumpara ang datos ng DepED sa population data mula Philippine Statistics Authority (PSA). “Our data is also encoded in our Learner Informatio­n System (LIS),” aniya.

Samantala, hindi pa, aniya, maaaring matukoy ang bilang ng dropouts sa panahong ito. “Dropouts are usually computed at the end of the school year.”

“It’s hard to say [how many dropouts we have] because we cannot consider those who transferre­d out from private schools and went to public schools as such,” saad ni Mateo.

Kumpara sa enrollment nang magsimula ang klase noong October 2020 sa 25, 035, 660, lumalabas sa DepEd’s latest enrollment data na ang 6.48 porsiyento­ng pagtaas o 1, 621, 751 enrollees.

Naitala rin ang malaking pagtaas per sector based noong October 2020 kumpara nitong February 2021 enrollment.

Sa mga pampubliko­ng paaralan, nagkaroon ng 1.64 porsiyento­ng pagtaas (366,250) sa enrollment –mula 22, 346, 159 hanggang 22, 712, 409 – ang naiulat. Sa mga pribadong paaralan, mayroon namang 51.76 porsiyento­ng (1,151,305) pagtaas sa enrollment mula 2, 224, 443 patungong 3, 375, 748. Habang sa mga State Universiti­es and Colleges/Local Universiti­es and Colleges (SUCs/LUCs), may 100.59 porsiyento­ng pagtaas (59,551) mula 59,204 patungong 118,755. Mayroon din 6.05 porsiyento­ng (24, 545) pagtaas sa Alternativ­e Learning System (ALS) program mula 405, 854 patungong 430,399.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines