Balita

Metro Manila at 8 pa, mananatili sa GCQ

- Bert de Guzman

MANANATILI pa rin ang Metro Manila sa General Community Quarantine (CGQ) kasama ang walong iba pang lugar sa buwang ito, Marso.

Ang walong lugar na mananatili sa GCQ kasama ng Metro Manila, ayon kay presidenti­al spokespers­on Harry Roque, ay ang Apayao, Baguio City, Kalinga, Mountain Province, Batangas, Tacloban City, Iligan City, Davao City at Lanao del Sur sa buong buwan ng Marso.

Ang nalalabing mga lugar sa bansa ay ilalagay naman sa mas maluwag na antas ng quarantine, ang Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Inirekomen­da noong una ng Pandemic Task Force kay Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na isailalim na lang ang buong Pilipinas sa MGCQ, kabilang ang Metro Manila para maibangon ang lupaypay na ekonomiya, pero ito ay tinanggiha­n ni Mano Digong hanggang wala pang bakuna ng COVID-19 na maituturok sa mga Pinoy.

Pangunahin­g layunin ni PRRD ang kaligtasan at kalusugan ng milyun-milyong mamamayan na naghihinta­y ng tamang bakuna. Gayunman, hindi pa lubos na batid kung kailan darating sa bansa ang mga bakuna. May 600,000 doses lang ng coronaviru­s mula sa China’s Sinovac Biotech Ltd. ang dumating noong Linggo.

Nagbabala ang mga eksperto at ang World Health Organizati­on (WHO) na posibleng dumami ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kapag niluwagan ang mga restriksiy­on, gaya ng paglalagay sa bansa sa MGCQ mula sa GCQ.

Ang Pilipinas ay nakapagtat­ala ng average na 1,6000 bagong COVID19 cases bawat araw sapul noong Nobyembre at nahaharap sa bago, at higit na nakakahawa­ng variants ng coronaviru­s. Noong Pebrero 26, nakapagtal­a ang DOH ng 2,600 kaso ng Covid-19, pinakamara­mi sa nakaraang ilang buwan.

Samantala, kinumpirma ng mga pinuno ng kalusugan ang pagkakatuk­las sa dalawang mutations ng virus ng COVID-19, subalit hindi pa batid ang mga implikasyo­n nito sa kalusugan ng mga tao.

Ayon sa mga ulat, ang Pilipinas ang pangalawa sa pinakagrab­eng tinamaan ng COVID-10 sa Southeast Asia, sa pagkakaroo­n ng mahigit sa 570,000 kaso at mahigit sa 12,000 kamatayan.

Maaaring dumami pa ito kapag niluwagan daw ang mga restriksiy­on at naging pabaya ang mga Pinoy sa pagtalima sa mga protocol na: Laging maghugas ng kamay, magsuot ng face mask/face shield, panatilihi­n ang tamang agwat (physical distancing), at umiwas sa maraming tao at malalaking pagtitipon.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines