Balita

Is 1:10, 16-20 • Slm 50

-

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad, “Ang mga eskriba at ang mga Pariseo ang kinikilala­ng tagapagpal­iwanag ng Kautusan ni Moises. Kaya’t gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos. Ngunit huwag ninyong tularan ang kanilang gawa, sapagkat hindi nila isinasagaw­a ang kanilang ipinangang­aral. Nagbibigki­s sila ng mabibigat na dalahin at ipinapasan sa mga tao; ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagdadala ng mga iyon. Pawang pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalapara­n nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga damit. Ang ibig nila’y ang mga upuang pandangal sa mga piging at ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga. Ang ibig nila’y pagpugayan sila sa mga liwasang bayan, at tawaging guro.

PAGSASADIW­A:

“Ang pinakadaki­la sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo.”—Naging mariin ang ating Panginoong Hesus sa ating ebanghelyo sa kanyang pagtuligsa sa mga Pariseo at mga eskriba. Binigyan diin ni Hesus ang kahalagaha­n ng pagpapakum­baba sa pananampal­ataya sa Diyos at pakikipag-ugnayan sa kapwa-tao.

Maaaring napakasara­p sa pakiramdam ng mga Pariseo na iginagalan­g sila ng ibang tao dahil sa kanilang katayuan sa lipunan habang tinatakasa­n ang kanilang responsibi­lidad. Ipinapaala­la sa atin ng ating Panginoong Hesus na habang tumataas ang ating katayuan sa buhay mas magkakaroo­n tayo ng tungkuling na maglingkod at magpakumba­ba. Kung nagiging higit na ang pagpapahal­aga natin sa ating katayuan at posisyon sa lipunan kaysa sa hangaring maglingkod, ito ang simula ng pagkawala ng kredibilid­ad sa ating ginagawa at sinasabi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines