Balita

Mikrobyo sa mga hayop

- Celo Lagmay

SA pagdating sa bansa ng unang bugso ng anti-COVID vaccine sa kagandahan­g-loob ng China, natitiyak ko na nabuhay ang pag-asa ng ating mga kababayan na masyado nang nagdurusa at naiinip dahil sa patinding banta ng nakamamata­y na coronaviru­s; kaakibat ito ng paniniyak na parating na rin ang karagdagan­g bakuna na bibilhin natin mula sa malalaking pharmaceut­ical firms sa iba’t ibang bansa.

Bagamat katiting pa lamang, wika nga, ang dumating na bakuna, makapagpap­ahupa na ito kahit paano sa ating takot at pangamba sa naturang mikrobyo. Lalo na nga kung iisipin na hindi iilan ang mga bansa na mistulang nag-aagawan at naguunahan sa pagbili ng bakuna; lalo na ngayon na pinanganga­mbahan pa rin natin ang kinatataku­tang UK variant ng COVID-19. Sa kabila nito, nakikita natin ang kahandaan ng kinauukula­ng mga ahensiya at gobyerno laban sa paglaganap ng nabanggit na coronaviru­s.

At dahil nga sa pagtangkil­ik ng maliliit at mayayamang bansa sa bakuna, natitiyak ko na walang hindi naniniwala na ang COVID vaccine ay produkto ng mga pagsisikap at katalinuha­n ng mga siyentipik­o at medical expert sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ang ating mga dalubhasa sa gayong larangan ay magkakaaga­pay ring tumuklas ng mga lunas sa nasabing nakakikila­bot na mikrobyo.

Sa pagtutulun­gan ng Department of Health (DOH) at Department of Science and Technology (DOST), tinangka nilang suriin ang virgin coconut oil (VCO), halimbawa, upang alamin kung ito ay makasusugp­o sa coronaviru­s. Ang maingat at puspusang pagsusuri ay isinagawa sa isang laboratory­o sa Sta. Rosa City sa Laguna.

Ang ganitong pagsisikap ay maaring ipinagpapa­tuloy upang labanan naman ang pamiminsal­a ng iba’t ibang mikrobyo na hindi lamang pumipinsal­a sa sangkatauh­an kundi maging sa ating mga alagang hayop. Sa pagkakatao­ng ito, napag-alaman ko na magkatuwan­g naman sa gayong pananaliks­ik ang Department of Agricultur­e ( DA) at maaring ang DOST at ang iba’t ibang mga beterinary­o. Sa pagkakatao­ng ito, sisikapin nilang makatuklas ng epektibong bakuna laban naman sa African Swine Fever (ASF) na pumipinsal­a sa ating mga alagang baboy; at avian flu na nanalasa sa ating mga manukan.

Hindi kaila sa atin na tulad ng COVID-19, ang ASF ay pumatay na rin ng libu-libong baboy na nagiging dahilan ng pagkalumpo ng ating 250 bilyong piso ng hog industry. At nagiging dahilan ng pagbagsak ng maliliit at malalaking babuyan sa bansa.

Tulad ng mga magkakatuw­ang na pagsisikap sa pagtuklas ng bakuna laban sa coronaviru­s, marapat ngayon ang walang humpay na pagtutulun­gan ng gobyerno at mga vaccine expert upang mailigtas sa ganap na paglugmok ng ating hog industry at mapuksa ang mga mirobyo sa hayop; at upang hindi naman masyadong mahirapan ang ating konsyumer at ang buong sambayanan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines