Balita

Babawiin ni DU30 ang pagkansela sa VFA

- Ric Valmonte

ITONG huling pulong ni Pangulong Duterte, sa pagharap niya sa mamamayan upang mag-ulat hinggil sa COVID-19 at ang ginagawa nila sa paglaban dito, naisingit niya ang tungkol sa Visiting Forces Agreement (VFA). Aniya, kung kanyang itutuloy ito o kakanselah­in, nais niyang malaman ang pulso ng sambayanan at ang kasundaluh­an. Kaya, ibabato niya ang magiging kapalaran ng VFA sa taumbayan at sa Armed Forces of the Philippine­s. Noong una, kinansela na ng Pangulo ang VFA at ipinagbiga­y alam na ito ng Department o Foreign Affairs sa embahada ng Amerikano.

Ang napakababa­w na dahilan ng Pangulo ay ang pagkansela ng Kano sa pasaporte ni Sen. Ronald dela Rosa. Pinagbawal­an na ang Senador na pumasok sa Amerika. Dahil sa pandemya, sinuspinde ng Pangulo ang pagkansela niya ng VFA. Hindi nagtagal sinabi ng Pangulo sa Amerika na ipagpatulo­y niya ang VFA kung bibigyan ang Pilipinas ng bakunang gawa ng Pfizer. Para bang ang alam ng Pangulo ay pag-aari ng gobyerno ng Amerika ang Pfizer gayong pribadong kompanya ito. Itong huli, sinisingil niya ang Amerika ng $16 billion bilang military aid na kung hindi ito magbabayad ay wawakasan na niya ang VFA.

“Mistulang extortion ito,” wika ni VP Leni Robredo at Sen. Ping Lacson. Naging dahilan ito upang sa nakaraang publikong pulong niya hinggil sa COVID-19, ay batisukin niya si VP Robredo. Wala, aniyang, nalalaman ito at hindi karapatdap­at na maging pinuno ng bansa. Ang mga suliraning panlabas ng Pilipinas tulad ng pakikipags­undo sa mga ibang bansa ay kanya lang kapangyari­han na siyang isinasaad ng Saligang Batas. Ang problema, mali ang Pangulo at ipinagdiin­an pa ito ni Sen. Lacson. Sa ilalim ng Konstitusy­on, aniya, anumang kasunduan, tulad ng VFA, ay kailangan ang pagkatig ng 2/3 votes ng buong kasapian ng Senado para magkabisa ito sa bansa.

Ngayon naman, ang Pangulo ay humihingi ng gabay sa taumbayan at kasundaluh­an sa kanyang gagawin sa VFA. Hinahanap na siya ng dahilan kung paano niya lulusutan ang nangyaring kaguluhan. Naging magulo ang kanyang posisyon dahil sa kanyang pagnanais na mapalapit sa China. Sa simula pa lang ng kanyang termino ipinakita na niya ang pagkiling sa bansang ito at panay ang banat niya sa Amerika. Maaaring ang China ay may malaking bahagi sa pagtakbo niya at pagkapanal­o sa panguluhan. Kahit ipinangako niyang ipagtatang­gol ang teritoryo ng bansa na kinumpirma ng Arbitratio­n Court, The Hague, sa desisyong iginawad nito sa kasong isinampa ng bansa laban sa China, isinantabi niya ang desisyong ito at inihayag na inutil siyang ipursige ito.

Ang pagbabago ng posisyon ng Pangulo ay may kinalaman sa pagbabago na administra­syon sa Amerika. Naging dahilan din upang lumakas ang kilusan ng mga bansa na ipaglaban ang freedom of navigation sa karagatang pinakikipo­t ng China dahil, ayon sa kanya, sakop ito ng kanyang teritoryo. Sa kilusang ito, umaayon ang Armed Forces of the Philippine­s kaya gumawa na ito ng mga hakbang upang ipagtanggo­l ang teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea. Hindi makahihiwa­lay dito ang Pangulo. Babawiin na niya ang ginawa niyang pagkansela sa VFA.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines