Balita

Baby switching na-solve ng ‘KMJS’

- Nora V. Calderon

CONGRATULA­TIONS sa Kapuso

Mo, Jessica Soho! Pagkatapos ng limang linggo, na-resolba na rin ng GMA

magazine show hosted by Ms. Jessica

Soho, ang problema ng dalawang couple na nagkaroon ng baby switching sa H Vill Hospital sa Rizal. Dumulog sa programa ang mag-asawang Aphril at Marvin Sifiata, at sinabi nilang hindi kanila ang batang iniuwi nila pagkatapos niyang isilang. May kasabay kasing isinilang din sa hospital nang araw na iyon. Bukod sa walang naramdaman si Aphril sa bata, napansin niyang iba ang infos ng baby sa name tag nito.

Hindi naman nagduda agad ang mag-asawang Margareth at Kim Jasper Mulleno na hindi ang baby nila ang iniuwi nila dahil kahawig daw ni Kim ang baby. Pero willing daw silang isoli ang baby boy nila kina Aphril kung mapatunaya­ng hindi iyon ang anak nila, although masakit na rin daw na mahiwalay sa kanila ang batang inalagaan nila ng isang buwan, napamahal na sa kanila ang baby.

Nagsagawa ng DNA test ang KMJS, dahil hindi naman umaksiyon ang hospital sa kaso. Medyo natagalan bago nalaman na both negative ang results ng DNA test, meaning hindi nga ang baby na nasa kanila ang mga anak nila.

Muling nag-underwent ng cross DNA test, sina Aphril at ang baby na hawak ni Margaret and vice versa. Both positive ang result kaya masayang-masaya ang dalawang couple na ang aalagaan at palalakihi­n nilang baby ay ang tunay na nilang anak. Pareho silang nagpasalam­at kay Jessica at sa KMJS team dahil na-solve na rin ang kanilang kaso. Nang magpalitan sila ng baby, hindi raw iyon ang huling pagkakatao­n na magkikita-kita sila.

Kung sina Margareth at Kim ay tinanggap na ang apology ng H Vill Hospital, hindi sina Aphril at Marvin, itutuloy nila ang kaso laban sa hospital, kahit pa sabihin nilang isosoli ang ibinayad nila ng hospital. Sa ngayon ay wala pang sagot sa KMJS ang hospital.

Ayon sa Department of Health (DoH). ang kasong ito ang first documented case of baby switching in the Philippine­s. Kung mapapatuna­yan daw na nagkamali ang H Vill Hospital, magmumulta sila ng P30,000, P50,000 at revocation of license, ayon naman sa Regulation Licensing Enforcemen­t Division ng DoH.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines