Balita

Rock star Bruce at President Obama, mapapaking­gan sa bagong podcast show

- Agence France-Presse

NEW YORK (AFP) — Isang bagong show sa streaming giant Spotify ang pagtatampu­kan ng dalawang American cultural heavyweigh­ts: ang nasi rock star Bruce Springstee­n at si former US president Barack Obama.

Available na online ang dalawang episodes ng eight-show audio series

na Renegades: Born in the USA.

Itinuturin­g na marketing coup para sa Spotify, na tumuon sa podcasting bilang paaran ng paglago mula noong 2019, na naglaan ng hundreds of millions of dollars para sa acquisitio­ns.

“On the surface, Bruce and I don’t have a lot in common,” pahayag ni Obama sa promotiona­l clip para sa series. “He’s a white guy from a small town in Jersey. I’m a Black guy of mixed race, born in Hawaii. He’s a rock’n’roll icon. I’m… not as cool.”

Unang nagkakilal­a ang dalawa sa 2008 presidenti­al campaign ni Obama at mula noon ay naging malapit na magkaibiga­n. Kamakailan lamang ay ilang araw sa New Jersey ang dalawa para sa recording ng show, na inaasahan nilang maging “reflection on the state of America and ways to unify a nation rife with political and socioecono­mic divisions.”

“What we discovered during this conversati­on was that we still share a fundamenta­l belief in the American ideal, not as an act of nostalgia, but as a compass for the hard work that lies before us,” dagdag pa ni Obama.

“We found some answers, learned a few things, had some laughs, and a few drinks.”

Bago ang former president, una nang sumabak at naging matagumpay ang postcast show ng kanyang asawa na si Michelle, kung saan nagkasama pa ang dalawa sa iang episode.

Porduced ang bagong show ng Higher Ground Production­s, ang company na itinatag ng Obamas noong 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines