Balita

Maymay, solid Kapamilya

- Ni ADOR V. SALUTA

MANANATILI­NG solid Kapamilya ang Pinoy Big Brother: Lucky 7 winner na si Maymay Entrata. Isa ang aktres sa ilang kilalang talents na muling lumagda ng kontrata sa harap ng ilang ABS-CBN executive nitong Biyernes, Pebrero 26.

Para kay Maymay: “Sobrang blessed kasi nga pandemya, hindi ko naman iniexpect pa na isa ako sa mabibigyan ng marami pang biyaya sa panahong ito pero yun nga, parang masarap lang sa feeling na nandiyan yung tahanan mo na talagang ipaparamda­m nila sayo na secured ka, na gagabayan ka nila kahit anong mangyari. Kaya masaya ako na parte din ako sa pagharap ng pagsubok at very excited ako na tayo’y babangon muli at ipag-pe-pray natin yun. Para rin ito sa ating mga kapamilya.”

“Siguro yung feeling na alam mong may tahanan ka, na talagang handang magbigay sayo ng magandang kinabukasa­n. At handang gabayan ka kahit anong mangyari. So para sa akin, nakakaexci­te yun. At isa rin siguro yung mga proyekto na ibibigay nila sa akin. Kasi nga siyempre na-susurprise ka na lang wow, totoo ba na ipapagkati­wala ninyo ito sa akin?”

Wala ring pagsisisi ang aktres sa pagiging solid sa network dahil tuloy naman, aniya ang kanyang career sa Kapamilya kahit may pandemic.

“Kahit ano naman na proyekto na darating tatanggapi­n ko naman lalo na kapag nandiyan si Edward (Barber). Hindi ko pa masasabi. Hanggang maaaari talaga na sure ako. Mag-uupdate naman kami. Sasabihin namin agad agad kung meron mang darating. Nagkakausa­p naman kami ni Edward. Mabuti naman yung working relationsh­ip namin , yung pagkakaibi­gan namin. Wala namang problema,” pagbabahag­i pa ni Maymay.

Bukod sa ASAP Natin ‘To, abala ang aktres sa kanyang YouTube channel.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines