2 BARANGAYS, NAKA-LOCKDOWN! — MOCHA
Dalawang barangay sa Bontoc, Mountain Province ang isinailalim sa lockdown matapos maitala ang mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) UK variant sa nasabing lugar ayon sa isang local health official.
Ayon kay Department of Health (DoH) Cordillera Administrative Region (CAR) regional director Dr. Ruby Constantino, labindalawa sa labing-anim na UK variant cases ang nadiskubre sa dalawang barangay sa Bontoc.
Kung matatandaan, sinabi ng DoH na may pitong lalaki at limang babae ang nakitaan ng bagong COVID variant at tatlo sa mga ito ay nasa edad 18 years old at tatlo naman ang lampas 60 years old.
“Currently, the local government unit of Bontoc municipality implemented the lockdown of the involved barangays, but as per our meeting last night. If ever our health care utilization rate will continue to increase, they might recommend to the IATF (Inter-Agency Task Force) the changing of our quarantine status from MGCQ (modified general community quarantine) to GCQ,” saad ni Constantino.
Mayroon na umanong 17 kaso ng COVID-19 na UK variant ang naitala sa Pilipinas matapos makita ito sa dalawang tao na nanggaling sa United Arab Emirates nitong Enero.
Sa dagdag na 16 na kaso, tatlo na ang gumaling habang 13 ang aktibo at tatlo dito ang asymptomatic at ang sampu ay may mild symptoms.
Ang bagong variant ng COVID-19 na tinatawag na B117 at unang nakita sa United Kingdom ay mas nakakahawa umano pero hindi naman nito pinalalala ang nakamamatay na sakit.
Ang labindalawa sa 16 na dagdag na kaso ay mula sa Bontoc – dalawa ay mga overseas Filipino workers mula sa Lebanon, dalawa ay mula sa La Trinidad sa Benguet at sa Calamba sa Laguna.
Nakitaan rin ng 203 porsiyentong surge sa COVID-19 dalawang linggo na ang nakakaraan ayon kay DoH Epidemiology Bureau specialist Dr. Alethea de Guzman.
Sinabi naman ni Constantino na nakakaalarma na umano ang pagtaas ng COVID-19 cases sa munisipalidad dahil ang health care utilization rate (HCUR) ay malapit na sa critical level.
“That is a very big challenge that we have to lower the HCUR, yesterday almost danger zone na because the facilities are fully occupied, we really have to move our asymptomatic patients,” sabi ni Constantino.