Daily Tribune (Philippines)

HINDI AKO BUNTIS! - MOCHA

- NI LARS ALEXANDERS­SON

Heto na mga mars, binasag na rin sa wakas ng dating singer-actress at ngayo’y Deputy Administra­tor for Membership Promotion, OFW Family Welfare and Media Relations of the Overseas Workers Welfare Administra­tion Mocha Uson.

Pumutok kasi sa social media ang balitang buntis siya at ang itinuturon­g ama ay ang aktor na si Robin Padilla, na husband ng aktres at host na si Mariel Rodriguez-Padilla.

Parang apoy na kumalat ang balita online at siyempre, nagtaasan ang kilay ng lahat dahil sa nasabing balita.

Parehong supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mocha at Robin.

Para pabulaanan ang mga kumakalat na tsismis, nagpost si Mocha ng isang video sa kanyang Facebook page at nag-workout siya na suot ang fit na fit na sports bra at leggings at siyempre, ipinakita rin niya ang kanyang flat na flat na tiyan.

“BUNTIS DAW AKO KAY ROBIN Wala pong katotohana­n ‘yang tsismis na ‘yan. Napakabait po nu’ng tao. Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel. Sigurado ako ang nagpapakal­at niyan ay ‘yung mga bitter sa ating gobyerno,” sabi ni Mocha sa caption.

“Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pangulong Duterte kaya sinisiraan kami. Kulelat kasi sa survey ang pambato nilang si Robredo kaya kung anu-anong paninira ang iniimbento nila. Lunch break! Workout na muna tayo!” dagdag pa niya.

Ang naging pahayag ni Mocha ay kasunod ng paglabas ng statement ni Mariel na nagsasabin­g fake news umano at baseless gossip lamang ang isyu kina Robin at Mocha.

Nanawagan rin ang asawa ni Robin na irespeto ang pananahimi­k ni Robin ngayong panahon na ito dahil kamamatay lamang ng kanyang kuya na si Royette Padilla.

“Let me tell you this. ROBIN’S BROTHER PASSED AWAY. He is grieving. He has never been in so much pain all his life. He doesn’t need your baseless gossip. Namatayan ng kapatid yung asawa ko. Please lang po. He doesn’t even know anything about all this rumor but i am putting a stop to this NOW,” sabi ni Mariel.

“May oras para maging assholes now is not that time. Please,” dagdag pa niya.

Ayan, klaro na ha? Char!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines