Daily Tribune (Philippines)

ELLEN, MAY ‘GOOD SOUL’

- NI JOHN PAUL FRANCISCO

Walang ibang masabi ang aktor na si John Estrada sa aktres na si Ellen Adarna kundi magagandan­g salita dahil talagang mabait at mayroong good soul ang dalaga.

Sina John at Ellen ang magtatamba­l sa bagong sitcom sa TV5 na John En Ellen na inspired ng sitcom ng yumaong King of Comedy na si Dolphy at katambal niya ang namayapa na ring si Nida Blanca.

Base sa kuwento ni John, masarap katrabaho ang aktres at inamin ng aktor na fan siya ni Ellen at isa siya sa follower sa Instagram ng aktres.

“Iba ang character nitong babaeng ‘to. Definitely, we all know that she’s controvers­ial and all that. But there’s more to her than that. She’s so bubbly, she’s a very good soul, you know, I’m glad kahit kelan man matapos itong John En Ellen, I’m just glad that I met this beautiful human being,” kuwento ni John.

“She brings great energy on the set, she’s a character. She speaks her mind, she’s honest and alam ninyo kung meron man kayong mga ‘bad image’ of Ellen Adarna, pakitapon n’yo na po ‘yan dahil hindi siya ‘yan,” dagdag niya.

At dahil sa Cebu na naka-base si Ellen kasama ang anak na si Elias ay naisip ni John na baka hindi tanggapin ang offer niya.

“We really thought na hindi papayag si Ellen kasi nga, ang balita namin, ayaw na niyang mag-artista kasi nga ‘yung priority niya, ‘yung anak niya, si Elias. But thank God, pumayag siya, just because, alam niya nga na ang proyektong ito ay para talaga sa kanya at saka napaka-light, masaya lang,” pahayag pa ni John.

Si Ellen naman, umamin na hindi pa rin full-time ang kanyang pagbabalik-showbiz dahil nga priority niya ang anak pero dahil nasa pangangala­ga ngayon ni John Lloyd ang anak, tinanggap niya ang sitcom.

At dahil biglang na-link si Derek Ramsay kay Ellen dahil napapadala­s yatang pumunta ang huli sa bahay ng hunk actor ay natanong kung puwedeng mag-guest ang una sa sitcom nila.

“Of course! Yeah, definitely. Kailangan lang magpa-swabbing siya. Definitely, we’re thinking about it, hindi pa lang namin alam kung kelan, butofcours­e.Bakangasiy­aangunahin­naming i-guest sa John En Ellen.”

Tsuk!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines