Daily Tribune (Philippines)

PAIGTINGIN PA ANG CONTACT TRACING

-

Nitong mga nakaraang araw, kapansin-pansin ang muling pagtaas ng kaso ng coronaviru­s disease (COVID-19) sa bansa at ang dahilan nito ay dahil umano sa epekto nang nakaraang holiday season.

Napabalita rin ang pagpasok ng bagong variant ng COVID-19 na mula umano sa United Kingdom at ayon sa Department of Health (DoH), labindalaw­a sa labing-anim na UK variant cases ang nadiskubre sa dalawang barangay sa Bontoc, Mountain Province.

Sa ngayon ay nakalockdo­wn na ang dalawang barangay sa Bontoc dahil dito.

Sa mga pangyayari­ng ito, nangangamb­a na naman ang sambayanan na baka tuluyan nang kumalat ang bagong variant na sinasabing mas nakakahawa umano pero hindi naman nagpapalal­a ng epekto ng COVID-19.

Ayon kay Baguio City Mayor at contact tracing czar Benjamin Magalong, naging inconsiste­nt umano ang mga COVID-19 testing at contact tracing efforts sa bansa at sinabi rin niyang ang pagpoproje­ct na well-managed ang COVID-19 situation sa mga lokalidad ay nagiging “political” na umano dahil nalalapit na naman ang eleksyon.

Sa isang vitual briefing, iginiit ni Magalong na dapat siguruhin ng mga local chief executives na mapalakas ang mga COVID-19 tracing at testing capacities dahil nga sa mga napapabali­tang pagkalat ng bagong strain ng virus at ang post-holiday surge ng mga kaso ng pagkahawa sa nakamamata­y na sakit.

Noong nakaraang Biyernes, naitala ng DoH ang pinakamata­as na daily case sa loob ng dalawang buwan.

Dagdag pa ni Magalong, umaasa siyang ia-adopt ng local government units ang “mindset to really expand, go the extra mile” upang mapalakas pa ang contact tracing efforts sa bansa. Sinabi rin ng Baguio City mayor na ang ideal ratio ay 37 contacts na natrace sa bawat COVID-positive patient.

“I cannot overemphas­ize the importance of contact tracing… we have to expand it to the third generation, this is even SOP. Our aim is to go beyond the second generation, even third, fourth generation,” sabi ni Magalong.

“Kaya lang nangyayari ngayon ang mga LGU, they tend to portray a very good COVID-19 situation in their area so tendency lower contact tracing and lower testing,” dagdag niya.

Giit pa niya, ang kakulangan sa contact-tracing at testing ay nagri-reflect direkta sa case detection.

“Simple logic. No testing, no contract tracing, no COVID-19. Low testing, low contact tracing low cases. Are we really going to really, with this kind of attitude and mindset, are we really projecting the right situation in the country?” hirit ni Magalong.

“Especially now that we have the election, ang tendency ng ating local executives, it’s a political move on their part to show they are managing well their contact tracing despite the fact that they have inadequate system... Binobola lang natin ang sarili natin. We are lying to the public,” dagdag niya.

Umayon naman si Health Secretary Francisco Duque III sa mga tinuran ni Magalong at sinabing kukumbinsi­hin niya ang Budget department upang pondohan ang pagkuha ng mas maraming contact tracers.

“Tama na itong local chief executives, di tamang daanin sa very superficiu­al behavior sa pandemic response. Tingin ko ikakatalo nila ‘yan eh ‘pag hindi nila inayos pamamalaka­d… Sila rin mananagot sa bandang huli,” sabi ni Duque.

O ayan, mismong sa mga opisyal na nanggaling na mas nangangail­angan ng matibay at epektibong contact tracing sa bansa upang makatulong sa pagpapabab­a ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang kailangan na lang ngayon ay makinig ang mga kinauukula­n.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines