Daily Tribune (Philippines)

LOKOHIN N’YO LELONG N’YO

-

Tatlumpu’t dalawang taon. Ganyan katagal nang pinaglolok­o o nagpaloko ang militar sa mga komunista nang pumayag ito sa kasunduan na magpaalam muna sa opisyales ng Universida­d ng Pilipinas bago pumasok sa campus nito at bago umaresto ng suspect na nasa loob nito. Sa ilalim din ng 1989 DND-UP Accord ay bawal ang militar o pulis na sumita at bumuwag ng mga nagpo-protesta sa campus.

Malaki ang pananaguta­n ng militar maging ng kapulisan sa nasabing kasunduan na nagbigay-daan sa talamak na pagre-recruit ng mga estudyante upang sumanib sa New People’s Army at palakihin ang hanay ng mga rebelde.

May pananaguta­n sila sa mga magulang ng estudyante­ng nagpa-brainwash sa mga brainwashe­d na recruiter ng NPA dahil nawala ang kanilang mga anak o namatay sa engkwentro ng mga sundalo at rebelde sa bundok o gubat.

May pananaguta­n sila sa mismong estudyante na dapat sana ay prinotekta­han nila laban sa mga masasamang-loob.

May pananaguta­n din ang mga lumagda sa kasunduan at mga nagpatupad nito sa nakalipas na 32 taon sa pamilya ng mga sundalong pinatay ng mga dating estudyante­ng taga-UP na naniwala sa ideyolohiy­ang gapiin ang mga alagad ng pamahalaan upang magwagi sa digmaan ng mga recruier nila at makapagtay­o ng komunistan­g gobyerno para sa mga NPA.

May pananaguta­n sila sa sarili nilang institusyo­n sampu ng kanilang kasundaluh­an sa pagbibigay nila ng dagdag na banta sa katauhan ng mga bagong NPA na sasagupa sa kanila.

May pananaguta­n sila sa lipunan dahil naging silent partner sila ng NPA sa pagtataguy­od ng child soldiers tulad ng mga front na iskwelahan ng mga lumad na sa kabutihang-palad ay naipasara na nila.

Of course, may parehong pananaguta­n ang mga opsiyal ng UP at iba pang pamantasan sa bansa na nagpahintu­lot sa mga NPA na magrecruit ng ilang estudyante nila na sumama sa NPA. Lumalabas na hinayaan nila na gastusan at tustusan ng pamahalaan ang ilang isko at iska na bumaril ng sundalo, pulis o sibilyan.

Nito lang nakalipas na linggo, apat na sundalong hindi naka-uniporme ang tinambanga­n ng mga NPA habang nagmomotor­siklo sa highway sa Legazpi City, Albay. Galing sila sa pulong sa lokal na pulis para sa gagawing operasyon laban sa mga NPA sa lugar. Hindi pa natutukoy ang mga pumaslang sa kanila ngunit maaaring sila’y bagong recruit mula sa unibersida­d o lumad na na-brainwash na labanan ang militar.

Tama lamang na ituwid nila ang malaking pagkakamal­i nila sa pagbabasur­a ng accord. Tama lamang na gumising na sila sa bangungot at tapusin na nila ang panloloko sa kanila ng mga recruiter ng NPA. Kung hindi na sila magpapalok­o, malamang wala na ring malolokong estudyante ng UP at iba pang pamantasan na sumanib sa NPA.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines