Daily Tribune (Philippines)

IVERMECTIN, PANGONTRA NI SOTTO SA COVID-19

- NI MICHELLE R. GUILLANG

Inamin ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ngayong Sabado, Abril 17, na regular siyang gumagamit ng human-grade Ivermectin laban sa COVID-19.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Sotto na gumagamit siya ng antiparasi­tic drug na repurposed bilang gamot sa COVID-19 isang beses kada dalawang linggo upang hindi siya mahawahan ng coronaviru­s.

Aniya, sinimulan niyang inumin ang gamot matapos niyang marinig ang mga testimonya mula sa kanyang malalapit na kaibigan na gumamit ng Ivermectin habang nagpapagal­ing sa COVID-19.

“I knew people who tested positive for COVID-19 then drank Ivermectin for three consecutiv­e days. Then, on their third day (of isolation), they stopped showing symptoms and on their 14th day, they already tested negative,” kuwento ng senador.

Binigyang-diin ni Sotto na ang Ivermectin na gawa ng local compoundin­g laboratori­es ay kasing bisa ng ginawa sa Amerika.

Sinabi ni Sotto na dapat na magkaroon ng “prevention and cure” para sa COVID-19 habang naghihinta­y ang mga tao na mabakunaha­n laban sa virus.

“There will be no growth in the economy, if (the pandemic) would stay long,” sabi ng senador.

Dagdag niya, mismong mga doktor ang nagsabing maaaring gamitin ang Ivermectin na panlunas sa COVID-19.

“The doctors themselves said it (Ivermectin) may be used to treat COVID-19 and prevent oneself from contractin­g it,” aniya.

“The FDA (Food and Drug Administra­tion) has nothing to do with what I put in my body.”

Kasabay nito, binatikos ni Sotto ang mga online sellers na sobra-sobra umano ang sinisingil sa mga bumibili ng Ivermectin, na dapat ay P35 lang ang presyuhan.

Ang iba raw kasi, ayon kay Sotto, ay ibinebenta iyon sa halagang P250.

Kamakailan, naglabas ang FDA ng compassion­ate special permit (CSP) sa mga specialty institutio­ns para makagamit ng Ivermectin sa pagbibigay-lunas sa mga may COVID-19.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines