Daily Tribune (Philippines)

DELTA VARIANT, KUMITIL NG TATLO – DOH

- NI KITOY ESGUERRA

Kinumpirma ng Department of Health (DoH) nitong Lunes na tatlo sa mga nahawahan ng coronaviru­s disease (COVID-19) Delta variant – na pinaniniwa­laang mas nakakahawa at mas potent na virus -- ang namatay ayon sa kanilang tala.

Ayon kay Health Undersecre­tary Maria Rosario Vergeire, ang pinakahuli­ng namatay ay isang 58-anyos na babae mula sa Pandacan sa Maynila na naitala noong Hunyo 28, habang ang dalawang iba pa ay isang 78-anyos na babae mula sa Baybay, Antique at isang 63-anyos na lalaking miyembro ng MV Athens crew.

Nilinaw rin ng DoH official na ang lahat ng mga Delta variant carriers sa bansa ay naka-quarantine na at patuloy na inoobserba­han.

“All delta variant cases are immediatel­y re-assessed to determine their current clinical, laboratory, and isolation status. They shall be swabbed for repeat RT-PCR at end of their isolation or upon determinat­ion that they were positive for the Delta variant,” saad ni Vergeire.

“They shall remain in isolation while awaiting results. Those whose RT-PCR is negative, already asymptomat­ic, and have completed the minimum 10-day isolation may be discharged from isolation,” dagdag niya.

Paliwanag pa ni Vergeire, tinitingna­n na ng pamahalaan ang mga contact tracing results ng mga nasabing kaso “to identify RT-PCR positive close contacts whose samples may be eligible for sequencing.”

Kasunod ito nang makumpirma ng DoH na labing-isang Pinoy na walang travel history ang nagpositib­o sa mas nakakahawa­ng COVID-19 strain.

Ang Delta variant ay napagalama­ng mas nakakahawa dahil sa tinatawag na “L452R” mutation na mas resistant umano sa immune system ng tao at mas mabilis ang pagkalat.

Sa pinakahuli­ng tala, nasa 35 na Pinoy na ang nahawa ng Delta variant na unang nadiskubre sa India.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines