Daily Tribune (Philippines)

ANDREA TORRES, MAY HUGOT

- NI SUNDY LOCUS

May hugot ang aktres na si Andrea Torres kaugnay sa mga pangyayari sa kanyang buhay at pagdating sa pagkakaroo­n ng maganda at inspiring na buhay.

“Kung ano ang ibibigay mo sa mundo, yun ang babalik sa ‘yo!” saad ni Andrea, na sa kabila ng kontrobers­yal na paghihiwal­ay nila ng kanyang ex-boyfriend na si Derek Ramsay, ay naniniwala pa rin sa true love.

Mukhang hindi naman siya na-trauma sa naging experience niya kay Derek.

Sa nakaraang virtual mediacon ng GMA para sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa network, natanong ang aktres kung kumusta na ang lagay ng kanyang puso.

“Super happy” ang tugon ni Andrea, “Kasi super busy po ngayong year. Hiniling ko rin naman talaga, so na-excite po ako. Na-excite ako sa mga gagawin ko this year.”

Maraming single ladies ang talagang na-inspire sa kanya dahil naipakita niya sa buong mundo ang kanyang katapangan at positibong disposisyo­n sa buhay kahit na nga muli siyang minalas sa pag-ibig.

“Natutuwa naman po ako, nata-touch po ako na nakikita nila yung side ko na yun. Nata-touch po ako na nakita nila yung side na yun. Parang mas nakilala nila ko as a person, kung paano ako. Natutuwa rin po ako kapag may nakikita akong nagsi-share sila ng mga buhay nila sa akin. Parang pinagkakat­iwalaan nila ako,” kuwento ng dalaga.

“Sinasabi nila, kung paano ko raw sila matutulung­an. Pero nahihiya rin ako kasi, feeling ko, hindi naman ako expert or anything,” dagdag niya.

“Ako naman kasi, very madasalin lang naman ako. And yun lang, ang lagi lang nasa isip ko, parang kung ano yung pinaka-positive na way. Kasi, naniniwala lang ako na kung ano ang ibibigay mo sa mundo, yun ang babalik sa ‘yo. So, kung magbibigay ka ng positive na reaction sa isang bagay, kahit na yung bagay na yun e, taliwas sa gusto mong mangyari, babalik yun sa ‘yo na in favor, kasi nga, yung nilalabas mo puro positive lang,” kuwento pa niya.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines